Good Vibes

Catriona, iba pang celebs tampok sa rice paddy art

By: - 04/16/2019

Photo from Benjamin Sotto’s Facebook account

KAPAG tinanong mo ang mga kabataan kung ano ang gusto nilang maging propesyon, tiyak walang sasagot na gusto nilang magtanim ng palay.

Sa isang agricultural country tulad ng Pilipinas, nakalulungkot na maraming kabataan ang walang interes sa rice farming.

Para maengganyo ang susunod na henerasyon, binuo ng Philippine Rice Research Institute (PRRI) ang “FutureRice Farm” project sa tinaguriang “Rice Granary of the Philippines.”

Matatagpuan ang five-hectare rice field na ito sa Brgy. Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija kung saan ipinagmamamalaki ng PRRI ang “Rice Paddy Art” na nagtatampok sa mga sikat na personalidad.

Nag-originate sa Japan ang uri ng art na ito kung saan itinatanim ang iba’t ibang uri at kulay ng bigas upang makabuo ng mga imahe sa isang palayan. Karaniwan, green at purple rice seedlings ang ginagamit dito.

Apat na taon na ang nakakalilipas nang dalhin sa bansa ni Roger Barroga, project leader ng FutureRice, ang concept na ito matapos magtungo roon.

Ang pinakabagong obra na masasaksihan ay ang nakamamanghang portrait ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na “nakatanim” sa 1,600 square meter na lupain.

Maliban kay Catriona, nagawan na rin ng rice artwork ang phenomenal loveteam na AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, reel and real life couple Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Ang Probinsyano star Coco Martin, action film king Fernando Poe, Jr., national hero Jose Rizal, at maging sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice-President Leni Robredo.

Subalit hindi lang ito basta form of art, dahil tulad ng winning answer ng beauty queen, ang proyektong ito ng PhilRice ay “silver lining” din para sa farm tourism, pagpapalago ng industriya ng bigas at pagbibigay halaga sa sakripisyo ng mga magsasaka para lang makapag-produce ng Filipino staple food.

Unti-unting nagbubunga ang initiative ng ahensya sa paglipas ng panahon, mas marami nang nagpapakita ng interes upang magtatanim.

“This is an activity po of FutureRice Project every season. Then kapag magtatanim na, nagi-invite ng mga staff sa PhilRice para magtanim. Normally po 30 staff lang kaya na itanim ang paddy art, pero dahil madami ang may gusto magtanim this season, inabot po kami ng 50,” sabi ni PRRI Information Systems Researcher III Benjamin Sotto sa panayam ng INQUIRER LIBRE.

Pero sabi nga sa popular Pinoy folk song, “ang magtanim ay ‘di biro.” Maliban sa pagbibilad sa ilalim ng init ng araw habang nasa planting process sa loob ng dalawang linggo, dapat ding sundin ang nagsisilbing blueprint para magaya ng husto ang larawan ng subject.

“Challenging part ay ‘yung pagtatanim na mismo. Kasi sa pagtatanim, may ia-assign na column sa magtatanim, so dapat sabay sabay at hintayan para magkapantay pantay,” paliwanag ni Sotto.

“First step po sa paggawa ng art na ito ay ‘yung pagpili ng picture para sa paddy art, yung madaling makikilala yung subject, then ‘yung designer po ng team, iko-convert niya sa isang two-toned image.”

Pagkatapos nito, dito pa lang magsisimula ang crucial stage para sa inaasam na picture-perfect design ng palayan.

“After po nun, ‘yung ICT specialist naman ang mag-layout sa area ng farm at gagamitan niya ng anamorphosis principle, an art technique used for a distorted artwork that will only appear normal when viewed from a certain angle. It is the same principle used in 3D street and room art,” dagdag pa ni Sotto.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Irasshaimase to Onigiriya

Text by Djan Magbanua Photos by Pau Geluz MANILA is a simmering pot of culture....

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...