outbrain
Good Vibes

#LoveWins: Asia’s 1st legal same sex marriage ibinida sa Taiwan

By: - 05/24/2019

Isa sina Shane Lin at Marc Yuan sa mga unang nagparehistro para ikasal sa Taipei. AFP

Gumawa ng kasaysayan ang Taiwan ngayong araw bilang unang bansa sa Asya na nagdaos ng first ever legal gay wedding matapos ang tatlong dekadang pakikipaglaban para sa same-sex marriage.

Nagdesisyon ang mga mambabatas na i-legalize ang same-sex marriage sa kabila ng mariing pagtutol ng mga kritiko.

Tinatayang nasa isang dosenang same-sex couples ang unang nagtungo sa isang government office sa downtown Taipei upang irehistro ang kanilang pagsasama bilang legal na mag-asawa.

Nagyakapan at naghalikan sa harap ng media ang mga bagong kasal habang proud na iwinawagayway ang wedding certificates at identity cards na tumutukoy sa kanilang pagiging mag-asawa.

Isa sa mga ikinasal ay ang social workers na sina Huang Mei-yu at partner na si You Ya-ting.

Mayroon na silang religious blessing mula sa progressive Buddhist master noong 2012 ngunit nais pa rin nilang magkaroon ng legal rights kagaya ng heterosexual couples.

“It’s belated, but I’m still happy we can officially get married in this lifetime,” sabi ni Huang sa panayam ng AFP.

Aniya pa, ang legal na pagkilala sa kanilang pagmamahalan ay malaking tulong upang matanggap ng iba ang kanilang relasyon.

“Now that same-sex marriage is legally recognized, I think my parents might finally feel that it’s real and stop trying to talk me into getting married (to a man).”

Para naman sa veteran gay right activist na si Chi Chia-wei, ang marriage registration ay katuparan ng tatlong dekadang pakikipaglaban para hikayatin ang gobyerno na ibahin ang batas.

“I feel very happy that same-sex couples can finally register and be listed as each other’s spouse. I am honoured to witness Friday’s marriage registrations,” sabi ni Chi sa AFP suot-suot ang agaw-pansing red suit at rainbow headband.

Iminungkahi ni Chi sa Taiwan Constitutional Court na gawing legal ang same-sex marriage subalit binalewala ito ng korte noong 2017 na nagsabing  unconstitutional ang pagpapakasal ng same-sex couples

Mahigit 300 same-sex partners ang nagpa-register ayon sa local authorities, 150 dito ay mula sa Taipei na may lumalagong gay community.

Nag-host ang city hall ng outdoor wedding party sa ibaba ng Taipei 101 at dinaluhan ng foreign dignitaries mula Canada, Spain and Britain.

Sa nakalipas na dekada, progresibo ang Taiwan sa gay rights kung saan isinagawa pa nga ng Taipei ang Asia’s largest pride parade.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...