Good Vibes

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

By: - 05/27/2019

Photo courtesy of Marivic Ando Natividad’s Facebook post

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung bakit sila ang sandigan ng isang pamilya.

Sa viral Facebook post ni Marivic Ando Natividad, ikinuwento niya ang hindi malilimutang bus experience matapos masaksihan ang natatanging pagmamahal ng isang ama sa anak.

Ayon sa post, sumakay ng bus si Marivic papuntang trabaho noong Sabado, May 25, nang makatabi ang isang special child.

“He was very happy, jolly and smiling at me all the time. He knows all the bus stops and the roads like he will shout at it when passenger will going down. The bus driver is seemingly happy as well,” aniya.

Ngunit ang ikinatataka ni Marivic ay kung bakit gustong lumipat ng bata sa tabi ng driver.

Nang malaman kung bakit, dito na naantig ang kanyang puso.

Anak pala ng bus driver ang bata na tinawag niyang “papa, papa.”

Medyo nag-alangan ang ama sa paglipat ng anak sa kanyang tabi dahil baka mahuli siya ng MMDA enforcer ngunit ibinaba na lang niya ang kurtina sa gilid para matakpan ito.

Pagpapatuloy na kuwento ni Marivic, “he is so talkative and his father is listening to him every single word that he say. And they were singing and both happy while his papa’s driving.”

Labis niyang nadama ang nasaksihang fatherly love kaya hindi rin napigilan ni Marivic na bigyang pugay ang lahat ng tatay na ginagawa ang lahat para sa pamilya.

“To all the fathers out there, thank you for all the sacrifices you’ve made for us. To all the unconditional love in every possible way you could give. Thank you for being superman for your family, for being a good provider and for trying your best to be the BEST FATHER IN THE WORLD. We appreciate that, truly. ”

Kahit ang netizens ay napangiti at napaluha sa inspiring post na ito na mayroon ng 86K reactions, 31K shares at patuloy na tumatanggapo ng heartwarming comments mula sa online world.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...