
AFP
Burnout ka na ba sa work mo?
Yung tipong pinipilit mo na lang pumasok pero wala ka nang effort at focus para maging model employee?
O isa ka sa mga papasok pa lang pero gusto nang umuwi dahil feeling mo sobrang toxic na ng workplace?
Baka nga burnout ka na sa hanapbuhay mo.
Hingang malalim dahil kinilala na ng World Health Organization sa unang pagkakataon ang “burnout” sa International Classification of Diseases (ICD) nito, ayon sa ulat ng Agence France-Presse (AFP).
Ang naging desisyon habang ginaganap ang World Health Assembly sa Geneva, Switzerland na natapos Martes ay makatutulong para matuldukan na ang decade-long debate sa pagitan ng mga eksperto kung ano nga ba ang kahulugan ng burnout at kung dapat ba itong ituring na medical condition.
Inilahad dito na ang syndrome ay maisasalarawan sa pamamagitan ng 3 dimensions: “1) feelings of energy depletion or exhaustion; 2) increased mental distance from one’s job, or feelings of negativism or cynicism related to one’s job; and 3) reduced professional efficacy.”
“Burn-out refers specifically to phenomena in the occupational context and should not be applied to describe experiences in other areas of life,” ayon sa classification.
Ang updated ICD list (ICD-11) na naipanukala noong isang taon kasunod ng mga rekomendasyon mula sa health experts sa buong mundo ay inaprubahan nitong Sabado.
Kung nararanasan mo ang mga ganitong pakiramdam, huwag matakot na kumonsulta sa health experts tulad ng psychologist para mabigyan ka ng tamang payo para mawala ang mga negativities and you can regain positive energies to start anew.