Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored apps na magtatampok ng digital music, films, podcasts at marami pang iba.
Binago ng iTunes ang paraan ng pagbili at pakikinig ng mga tao sa musika matapos itong i-launch noong 2001, ayon kay Apple senior vice president of software engineering Craig Federighi sa ulat ng AFP.
“The future of iTunes is not one app, it’s three,” sabi ni Federighi. “Apple Music, Apple Podcasts and Apple TV.”
Mula nang ilunsad ang iTunes, naging lifestyle na ang music at video streaming at marami pa mula sa Internet cloud kung saan ang online data centers at high-bandwidth connections ay nagpataas sa on-demand entertainment expectations.
Sa pamamagitan ng iTunes, nakapakinig ang users ng music collections at nakabili ng digital versions ng mga kanta.
“There is no reason for iTunes to exist, period.” sabi naman ni Creative Strategies analyst Carolina Milanesi.
“If I want music, I have an the app. If I want TV, I have the app. That is how people are thinking today.”
Ang transformation ng iTunes sa tatlong magkakahiwalay na apps ay paghahanda rin ng Apple sa international launch nito ng eponymous TV+ sa dulo ng taon.