Good Vibes

Mother of 3 makes it to LET top 10

By: - 06/07/2019

Photo from Jeanette Wing Un

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan de Oro City.

Una, dahil 10 taon nang full-time mother ang 40-anyos na ginang sa tatlong anak. Pangalawa, sapagkat 10 taon ang kanyang hinintay bago natupad ang pangarap na maging guro.

At pangatlo, dahil pasok siya sa Top 10 ng 2019 Licensure Examination for Teachers (LET) Secondary Level bilang 1oth overall placer with a rating 0f 90.8%.

“I hope to teach Math or Science.  And I hope my story will inspire people to not give up pursuing their dreams despite age or circumstances,” sabi ni Teacher Jeanette sa exclusive interview ng Inquirer Libre.

Pero hindi swerte kundi pagsisikap at pagtitiyaga ang pinuhunan ni Jeanette para matagumpay na mapagsabay ang pagiging ina at estudyante.

Bago naging guro ay nagtapos na sa kursong BS Metallurgical Engineering noong 2001 at nakapagtrabaho na bilang materials engineer sa loob ng pitong taon.

Binitiwan niya rin ang trabaho para mag-focus sa mommy duties but it doesn’t prevented her para tuparin ang pangarap na maging guro. Last year,  she took up Professional Education at Xavier University-Ateneo de Cagayan.

“I put career on hold to be a hands-on mom to our three children. In June of last year, I decided to go back to school to pursue a passion temporarily put on hold and study again to become a teacher,” paglalahad ni Jeanette sa kanyang Facebook post.

Siya ang second oldest student sa batch nila and she had to juggle studies and responsibilities as a mother in order to survive in both worlds.

Inuuna muna niyang i-tutor sa lessons ang kanyang dalawang grade schoolers bago naman gawin ang sariling school requirements.

“Aside from adjusting to the generation gap, I also had to juggle my studies and my responsibilities. Being a full time mom of three kids with no yaya, I had to manage my time and energy well.”

But the real test prevailed during her review days for LET dahil kinailangan ni Jeanette na siksikin pa ang schedule para mapanatiling hands on sa mga chikiting across with other social commitments.

“Going to the weekly reviews, sometimes weekdays pa, entailed sacrifices. I had to give up weekends with the kids. On Sundays lagi akong late sa review because I always went to church first. And then may isang Saturday morning in a month that I would miss the morning sessions also because I had church meetings in the morning,” aniya pa.

“Two weeks before the LET yung pre-board namin, but that was also the week of my children’s fourth quarter exams. So I had to be a teacher to them first then be a student for my own exams.”

Mabuti na lang at naiintindihan ng asawa at mga anak ang kanyang sitwasyon. Cooperative naman ang mga ito at todo rin ang moral support habang siya’y naghahanda para sa exam.

“Mahirap mag balance talaga, but I believe in prioritizing the important over the urgent. When you have the right priorities, manage your time and energy well, the details fall into place by God’s grace. What helped also was that it became a family affair.”

Now that she passed the LET, ipinakita lang ni Jeanette na if there’s a will, there’s always a way para maabot ang pangarap kahit pa mayroon ka nang pamilya.

“I made it to the top 10! It was a reward for hardwork and perseverance. It was an affirmation of determination and discipline. It was a proclamation of God’s gracious favor upon me. When at 40 years old I decided to go back to the academe last year, despite the difficulty balancing school and home responsibilities, I gave my best, and by God’s grace was blessed,” pagtatapos ni Jeanette.

Here’s her whole Facebook post:

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

TOTOO NGA BA: Pinay hindi Hapon ang World’s oldest living person?

Have you ever wondered kung sino at kung saan nakatira ang oldest living person in...

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...