Balitang Commute

15,000 driver ng Grab na-deactivate simula Enero

06/11/2019

SINABI ng Grab Philippines na umabot na sa 15,000 driver ang na-deactivate simula Enero.

Idinagdag ni Grab president Brian Cu na tinanggal ang account ng kaharamihan ng mga driver matapos mabigong magsumite ng mga dokumento mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon pa sa Grab, umabot sa 10,000 driver ang na-deactivate mula Enero hanggang Mayo 2019 o 2,000 kada buwan o 500 kada linggo.

Samantala, umabot naman sa 5,000 driver ang tinanggal sa sistema noong Lunes.

Iginiit naman ni Cu na mas mababa ito kumpara sa naunang pagtaya na 8,000 driver na maaapektuhan ng paglilinis.

Ipinaliwanag naman ni Cu na 3,000 driver ang nakaligtas sa deactivation matapos makapagsumite ng provisional authority (PA) at certificate of public convenience (CPC) mula sa LTFRB.

“Yung 3,000 ay nakapagsubmit na ng documents dahil nagawa nila yun, hindi sila na-deactivate,” sabi ni Cu.

“As we reduced the number of vehicles dahil sa (because of the) deactivation, that cap will remain to be lower than 2x,” ayon pa kay Cu.

“Prices will not be affected, fares should stay the same,” giit ni Cu.

Inamin naman niyang mas mahirap na magpa-book ngayon ang mga pasahero.

“There will be difficulty in booking a ride, not just during the rush hour but throughout the day,” ayon pa kay Cu.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...