Balitang Commute

Look: Visa-free countries for Pinoy tourists

By: - 06/15/2019

One of the reasons that prevents Filipino tourists travel abroad (aside from the budget) ay ang hassle at dagdag gastos sa pagkuha ng visa.

Bukod kasi sa loads of identification requirements na hinihingi ay mahal din ang bayad, gaya na lang ng US Visa at Schengen Visa para sa pangarap mong European tour.

Kaya naman ang ginagawa ng mga budget-friendly travelers ay sa mga visa-free countries na lang sila pumupunta.

Sa inilabas na listahan ng 2019 Henley Passport Index, 35 bansa ang pwedeng puntahan ng mga Pinoy kahit walang visa habang 32 bansa naman ang nagbibigay ng visa on arrival.

Ang Henley Passport Index ay “original ranking of all the world’s passports according to the number of destinations their holders can access without a prior visa.”

Kinukuha nito ang exclusive data mula sa International Air Transport Association (IATA).

Huwag matakot dahil easy lang ang proseso sa 32 countries na ito hindi gaya ng mga bansang nagre-require ng visa pre-application process sa kanilang country of origin.

Valid passport, return ticket, proof of hotel booking, passport-size photo at maliit na visa fee lang ang kailangan.

Narito ang visa-free countries at maximum days na pwedeng kang mamalagi doon in the remainder of 2019.

Ang mga libreng bisitahin sa Asia na walang visa ay Brunei (14 days), Cambodia (21 days), Hong Kong (14 days), Indonesia (30 days), Israel (90 days), Laos (30 days), Macau (30 days), Malaysia (30 days), Mongolia (21 days), Myanmar (14 days), Palestinian Territory, Singapore (30 days), Taiwan (14 days), Thailand (30 days) at Vietnam (21 days).

Pero hindi pa inaanunsyo ng Taiwan kung ie-extend nito ang visa-free trial program para sa mga Pinoy. Hanggang July 31, 2019 na lang kanilang offer.

Ang mga visa-free countries sa Africa ay Cote d’Ivoire/Ivory Coast (90 days), Gambia (90 days), Morocco (90 days), Rwanda (90 days) at Senegal (90 days).

Bolivia (90 days), Brazil (90 days), Colombia (90 days), Costa Rica (30 days), Ecuador (90 days)
Peru (183 days) at Suriname (90 days) naman ang visa-free sa Americas.

Visa-free rin ang Dominica (21 days), Haiti (90 days) at St. Vincent and the Grenadines (30 days) sa Caribbean habang ang Cook Islands (31 days), Fiji (120 days), Micronesia (30 days), Niue (30 days), Vanuatu (30 days) ang visa-free sa Oceania.

Para naman sa mga bansang nag-iissue ng visa on arrival para sa mga Filipino gayundin ang “countries with conditional visa exemption” o mga bansang hindi na kailangan ng visa given that you meet certain conditions ay maaaring bisitahin ang kabuuan ng 2019 Henley Passport Index.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...