BASE sa 2017 study ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society, sinasabing ang Pilipinas ang may highest prevalence ng breast cancer sa 197 bansa.
Para maiapalaganap ang breast cancer awareness, gumulong na ang medical mission ng “Alagang Bestfriend Mobile Diagnostic Clinic” sa pagtutulungan ng Hari Foundation, Inc. (HFI), UP-PGH at UP-PGH Cancer Institute.
Umabot sa 40 indigent patients ang napaglingkuran sa unang salang nito.
Kauna-unahan sa Pilipinas ang Alagang Bestfriend Mobile Diagnostic Clinic na naglalayong magbigay edukasyon sa mahihirap na lugar gaya ng mga basic information tungkol sa breast cancer at free screening upang matukoy ang early signs ng sakit.
Ang customized Hyundai H-350 luxury van ay equipped ng state-of-the art mammography, breast ultrasound facilities at minamanduhan UP-PGH doctors at personnel.
“We are doing something for the Filipina, and ultimately for our nation,” sabi ni HFI president Ma. Fe Perez-Agudo.
Napapanahon din ang advocacy na ito lalo’t nangunguna ang bansa bilang may highest breast cancer incidence rate sa Asya. Ayon sa Department of Health, 1 out 13 Pinay ang maaaring magkaroon nito.
Hindi pa tiyak kung ano ang pinagmumulan ng breast cancer, ang alam lang sa ngayon ay epekto ito ng pagkasira sa cell ng DNA.