Balita

Klase na mas maaga sa 8:30 a.m. gustong ipagbawal

By: - 07/05/2019

MULA sa alas-6 ng umaga, nais ng isang solon na itakda ang oras ng pasukan sa alas-8:30 ng umaga.

Inihain ni Bacolod Rep. Greg Gasataya ang House bill 569 upang ipagbawal ang pagkakaroon ng klase ng mas maaga sa 8:30 ng umaga sa mga paaralan na nasa ilalim ng Department of Education at Commission on Higher Education.

Sinabi ni Gasataya na naaapektuhan ng masyadong maagang pasok sa paaralan ang kalusugan ng mga estudyante lalo at maraming dapat na gawin ang mga ito sa ilalim ng K-12 curriculum.

“It is the policy of the State to adopt an integrated and comprehensive approach to health development in schools. We must give priority to the physical, mental, and social well-being of students, among others, through a system of education which gives primordial interest and concern to the health and safety of students,” saad ni Gasataya sa panukala.

Sinabi ni Gasataya na kinunsulta niya ang mga estudyante at magulang sa kanyang distrito bago ginawa ang panukala.

May mga datos din umano sa ibang bansa na nagsasabi na mas gumanda ang performance ng mga estudyante ng hindi na masyadong maaga ang klase ng mga ito.

“This could also help parents who wake up earlier than supposedly to attend to their children’s needs be more productive at work, raise teacher quality, and help working students manage their time.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...