Balitang Commute

Riles para sa MRT3 dumating na

By: - 07/10/2019

DUMATING na sa bansa ang shipment ng mga bagong riles na ikakabit sa Metro Rail Transit 3.

Ang 4,053 piraso ng Japan made na riles na my habang 18 metro bawat isa ay dumating sakay ng barko sa Harbour Centre Port Terminal sa Maynila noong Martes.

Dadalhin ito sa Tracks Laydown Yard malapit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange.

Sa Oktubre ay inaasahang darating na ang iba pang kailangan sa pagkakabit ng mga bagong riles. Inaasahan na masisimulan ang pagkakabit nito sa Nobyembre.

Upang magpatuloy ang pagbiyahe ng mga tren, ang mga riles ay ikakabit lamang kapag walang operasyon ang mga tren.

Kailangan ng palitan ang mga riles upang mabawasan ang vibration o pagkakatagtag ng mga bagon, na ikinasisira ng mga electrical at mechanical component na siya namang isa sa mga pangunahing sanhi ng train breakdown.

Sumasailalim sa masusing rehabilitasyon ang MRT3 sa ilalim ng Mitsubishi-Sumitomo, ang gumawa ng MRT3, upang maibalik ito sa bagong kondisyon.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...