Balitang Commute

MMDA sa mga pasahero: Wag n’yo kaming pagmumurahin

07/11/2019

‘Wag n’yo kaming pagmumurahin’.

Ito ang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia sa mga pasahero matapos namang makipagsagutan si MMDA Task Force for Special Operations Chief at Edsa traffic head Bong Nebrija sa mga pasahero ng bus sa kahabaan ng Edsa kahapon.

Namura si Nebrija ng ilang galit na mga pasahero nang parahin ang kanilang sinasakyang bus sa Quezon City dahil sa paglabag nito sa batas trapiko.

“Unang-una, hindi po kami nakakaabala, yung driver ng bus na ‘yun, sandamakmak ang ticket,” sabi ni Garcia. “That’s why I actually talked to Bong this morning and (told) him to give me a report. And I will write the LTO (Land Transportation Office). Pasususpinde natin ‘yung mga ganyang pasaway.”

Iginiit ni Garcia na pasaway ang driver ng bus kayat hinuli.

“Kung hindi pasaway ‘yung driver na ‘yan… ‘wag niyong isisi sa nage-enforce ng batas. Kung hindi barumbado ‘yung driver niyo, hindi huhuliin ‘yan at hindi kayo made-delay, hindi kayo paparahin,” dagdag pa ni Garcia.

Idinagdag ni Garcia na kakasuhan ng jaywalking ang mga pasaherong bumababa at sumasakay ng bus sa Edsa.
Nahaharap sa multang P500 o community service ang mga mahaharap sa jaywalking.

“Yung mga driver na pa-saway na ‘yan, hindi kami natatakot sa inyo,” ayon pa kay Garcia.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...