Balitang Commute

7M pasahero gumamit ng PITX

By: - 07/12/2019

UMABOT na sa 7 milyon ang pasahero na gumamit ng Parañaque Integrated Terminal Exchange sa walong buwan ng operasyon nito.

Kaninang umaga nagsagawa ng Build Build Build Media Tour sa pangunguna ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon, LTFRB Chairman Martin Delgra III, Megawide Head of Corporate Affairs Jason Torres at PITX General Manager Mariano Arroyo Jr., sa PITX.

Tumataas din umano ang bilang ng mga pasahero mula ng pagbukas ang PITX noong Nobyembre 2018.

Dumarami na rin ang bilang ng mga biyahe ng provincial at city buses sa lugar bukod pa sa traditional at modern jeepney at UV Express na gumagamit ng Integrated Terminal.

Sa Lunes ay ilulunsad ang P2P route na PITX-Baguio.
Iniaayos na rin ang biyahe ng mga bus mula PITX papunta sa Visayas at Mindanao.

Upang mas dumami ang sumasakay, maglulungsad din ng makabagong PITX mobile application kung saan maaaring mag-book at magbayad ng tiket ang mga pasahero.

Sa pamamagitan nito ay magkakaroon din ng real-time na schedule ng biyahe.

Ayon kay Usec. de Leon, hindi man naging madali sa simula ang operasyon ng PITX, naniniwala ang DOTr na kailangang baguhin ang kultura sa kalsada at ang disiplina ng mga pasahero, driver at operator upang ganap na maging maayos, sistematiko at maginhawa ang biyahe ng lahat.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...