Good Vibes

Filipino-themed film ididirek ng Fil-Am actor

By: - 08/13/2019

IDIDIREK ng Filipino-American actor na si Dante Basco ang Pinoy-themed movie na “The Fabulous Filipino Brothers.”

Ito ang kauna-unahang directorial job ni Basco matapos sumikat sa 1991 Stephen Spielberg classic at Peter Pan side story na “Hook” bilang si Rufio, ang leader ng Lost Boys.

Base sa report ng US-based online magazine na Deadline, iikot ang dark romantic comedy sa apat na magkakapatid na Pinoy. Ang isa sa kanila, magiging sabungero, ang isa matatagpuan ang dating pag-ibig sa Maynila, ang isa mahihilig sa Filipino food at ang panghuli ay makakahanap ng unexpected true love habang hinihilom ang malalim na sugat.

Lahat ng ito ay hahantong sa shotgun wedding sa kanilang hometown backyard sa Pittsburgh, California.

Isinulat ni Basco at mga kapatid na sina Darion at Dionysio ang TFFB kung saan sila rin ang bibida kasama ang isa pang kapatid na si Derek habang ina-narrate ito ng kanilang sister na si Arianna.

Ito ang unang beses na magkakatrabaho ang magkakapatid simula mapanood sa family drama na ” The Debut” noong 2001.

Nakilala pa si Basco sa kanyang voice acting roles lalo nang bosesan niya si Zuko ng popular animated series “Avatar: The Last Airbender at apo nitong si General Iroh sa sequel series na “The Legend of Korra.”

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...