Balitang Commute

Panelo sa problema sa trapik: Tiis muna

By: - 08/13/2019

SINABI ng Palasyo na dapat ay magtiis muna ang publiko sa patuloy na problema sa trapik sa bansa.

Sa isang press briefing, iginiit ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dapat ay hayaan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawin ang trabaho nito.

Uulit-ulitin lang natin, bumabalik-balik lang tayo. Let MMDA do its job. Kapag wala pa ring magawa, eh di hanap naman tayo ng ibang solusyon. It’s useless discussing these things na mayroon na nga silang nirerekomenda at ginagawa nilang paraan tapos hindi pa nga nagagawa, ito na tayo, kini-criticize na. Hintayin muna natin – be patient. Lahat tayo naman ay apektado eh,” sabi ni Panelo.

Idinagdag ni Panelo dapat ay hayaan ang MMDA na ipatupad ang mga programang makakatulong para maibsan ang trapiko sa bansa.

“Hindi naman pupuwede rin na hindi maapektuhan ang publiko ang mga nag-eeksperimento ka. Let’s give them a chance. Pinapakinggan ko sila kanina sa Senate hearing eh, marami silang plano eh,” sabi pa ni Panelo.

 Iginiit ni Panelo na deka-dekada na ang problema sa trapik sa Edsa.

Alam mo, alam ninyo, iyang problema sa EDSA marami nang taon iyan eh. Walang administrasyong naka-solve niyan. And they are precisely trying to do something about it. Marami na silang tinangka, pero mukhang nabibigo pa; baka ibang klaseng solusyon—gaya nang nasabi ko, siguro kailangan niyan maraming skyways gaya nang nakikita ko sa ibang bansa,” ayon pa kay Panelo.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...