Balitang Commute

Organized bus route system sa Edsa isinulong

By: - 08/14/2019

IMINUNGKAHI ni Marikina Rep. Bayani Fernando ang pagbuhay sa Organized Bus Route System upang lumuwag ang trapik sa EDSA.

Sa isang privilege speech, inamin ni Fernando na kinain ng korupsyon ang OBR system ng ipatupad niya ito subalit napatunayan umano na ito ay epektibo sa pagpapabilis ng daloy ng trapiko.

“I can’t just sit here and watch on the sidelines. Hence, I want to share some of my ideas relative to finding solution to Metro Manila transport needs and traffic problem through an Organized Bus Route System,” ani Fernando na chairman ng Metropolitan Manila Development Authority mula 2001-2009.

Sinabi ni Fernando na mahalagang makontrol ang dami ng mga sasakyan sa EDSA at matiyak na may masasakyan ang mga pasahero.

Sa ilalim ng OBR hindi maaaring magbaba at magsakay ang lahat ng bus sa lahat ng nais nitong hintuan. Ang mga bus A at B ay hihinto lamang sa piling bus stop at ang mga provincial bus (P) ay hindi maaaring huminto para magsakay o magbaba.

Dahil kontrolado ng MMDA ang paglabas ng mga bus, sinabi ni Fernando na mas nakatitiyak na puno ang mga ito. Ang kinikita umano ng bus sa limang biyahe ay kinikita na nito sa apat na biyahe sa ilalim ng OBR.

Inamin ni Fernando na makalipas ang tatlong buwan ay nawalan ng bisa ang OBR dahil natutunan ng mga driver na lagyan ang mga tauhan ng MMDA na nagbabantay upang makahinto kahit sa hindi nito bus stop.

“The system in place relying on personnel supervision of MMDA ground personnel proved to be so vulnerable to corruption and the bad work ethics and greed of drivers and government workers the system collapsed.”

Kaya nilagyan umano ng RFID system at CCTV ang mga bus stops upang hindi maikutan ng mga driver at tiwaling tauhan ng MMDA ang sistema.

Hindi na umano ginamit ang sistema ng umalis siya sa MMDA at kung muling gagamitin ngayon, sinabi ni Fernando na malaki ang maitutulong nito.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...