Round Trip

Pinalundag na bulig, minatamis na santol at iba pang favorite food ng mga bayani

08/26/2019

Text by Djan Magbanua
Art by Pau Geluz

Matapos ang pakikibaka para sa hinaharap ng bayan, kailangan din naman nilang mag-recharge.
What better way to recharge and get ready for the next day (sa paglaban man sa kalayaan o sa paglaban lang sa araw-araw na pamumuhay) than having your favorite food, di ba?
At dahil National Heroes’ Day ngayon, inalam namin ang mga paburitong pagkain ng ilan sa mga kilalang bayani. Chances are, baka paborito mo rin ang mga ito.

Jose Rizal

Hanggang ngayon pinag-aaralan pa rin ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa mga paaralan ng pinakaimportanteng bayani sa ating bansa.

Kilala bilang nobelista, traveller, matalino at medyo may pagkababaero ang ating Pambansang Bayani. Mahilig din itong kumain dahil karaniwan ay tatlo ang ulam nya. Ang breakfast ng isang pambansang bayani? Aba, tuyo, kanin at mainit na tsokolate. Minatamis na santol ang isa kanyang paboritong dessert.

Andres Bonifacio

Ang ama ng Katipunan ano nga ba ang paburitong papakain? Aba litson manok! Pero hindi lang basta litson manok ang hinahanap ng tiyan ni Boni matapos ang mahabang araw ng pagbabalak kung paano palalayain ang bayan. Gusto nya ang litsong manok sa saha na isang tipo ng luto ng litsong manok kung saan ang manok ay nilalagyan ng iba’t ibang pampalasa at binalot ng trunk ng puno ng saging.

Marcelo H. Del Pilar

Si Marcelo o mas kilala bilang si Plaridel ay isa sa mga kumpare ni Jose Rizal na dinaan ang paghihimagsik sa pamamagitan ng papel. Siyempre para hindi matuyot ang utak, ang paburito nyang kutkutin kapag nagugutom ay ang pinalundag na bulig —kung saan niluluto nang buhay ang isda.

Gregorio del Pilar

Bilang isang bata, ang bayani ng Tirad Pass o mas kilala bilang si Goyo ay naglalako sa kalye bilang pantustos sa kanyang pamilya. Isa na nga riyan ang paburito nyang okoy na isa rin sa paburitong meryenda noon sa bayan ni Gregorio Del Pilar sa Ilocos Sur.

Melchora Aquino

Kung may ama, merong ina. Si Tandang Sora ang nagsilbing refuge o taguan ng mga sugatang Katipunero. Ang inihahanda nya para sa lahat ay tinola. Isa sa mga secret ingredient niya ay ang paghalo ng dugo ng manok sa kanyang tinola.

Emilio Aguinaldo

Ayon sa isang descendant ni Emilio Aguinaldo, isa sa paburito nyang kainin ay ang Pancit Henoy, na isang pagkain sa Cavite which is a cross between miki and bihon.

Gabriela Silang

Ang other half ng mag-asawang bayani, si Gabriela Silang ay ilan lang sa mga matatapang na babaeng bayani ng bansa. Dahil isang native ng Ilocos  Sur, marami ang naniniwala na ang housewife/revolutionary na ito ay madalas maghain ng pinakbet sa hapag-kainan.

Ninoy Aquino

Nang siya ay makulong noon sa Fort Santiago, hindi madalas kumain si Ninoy Aquino. Napansin naman ang pagpayat nya ng isang civilian staff, na nag-decide na magluto para sa kanya. Ang madalas na kainin noon ni Ninoy ang sinabawang ulam na Sinigang na bangus.

(Source: PIA, KMJS)

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

TOTOO NGA BA: Pinay hindi Hapon ang World’s oldest living person?

Have you ever wondered kung sino at kung saan nakatira ang oldest living person in...

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...