Balitang Commute

Walang city ordinance, walang one-side parking— MMDA

09/10/2019

SINABI Metro Manila Development Authority (MMDA) na papayagan lamang ang ‘one side parking” sa mga kalye at kalsada kung merong ordinansa na inilabas ang mga lokal na pamahalaan na nagbibigay dito ng otorisasyon.

Inilabas ni MMDA Edsa traffic chief Bong Nebrija ang pahayag matapos ang ulat na pinayagan ng isang barangay sa Quezon City ang ‘one-side parking’ sa mga kalsada sa loob na malapit sa Camp Crame sa kabila ng ginagawang clearing operations sa buong Metro Manila.

Partikular na binanggit ni Nebrija ang ginawang parking matapos maglagay ng yellow line sa kalsada sa Brgy. Bagong Lipunan.

“Kalsada po yan. Wala pong ano (authority) ang barangay dyan na maglabas ng kanilang resolusyon, ordinansa para sa one-side parking. It needs to be approved by the city for the overall city traffic management plan,” sabi ni Nebrija sa panayam ng dzMM.

Iginiit ni Nebrija wala namang siyang nalalamang inaprubahan ang Quezon City Council n ordinansa para payagan ang one-side parking sa lugar.

“They need to resolve this among themselves. Kapag binigyan ng ordinansa ng city yan, then wala kaming magagawa. Pero kung wala, eh wala naman kaming magagawa kundi ipatupad,” sabi ni Nebrija.

“Pare-pareho kaming mate-technical ngayon eh. Lahat kami under order of the President,” ayon pa kay Nebrija also.

Matatandaang binigyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan bg 60 araw para linisin ang kani-kanilang kalsada. 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

TOTOO NGA BA: Pinay hindi Hapon ang World’s oldest living person?

Have you ever wondered kung sino at kung saan nakatira ang oldest living person in...

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...