outbrain
Good Vibes

#Nangarap: Dating calamansi vendor, sales manager ngayon

By: - 09/11/2019

NAKAKAPIT ang kanang kamay sa ina habang naglalakad pauwi sa kanilang barung-barong sa San Andres Bukid at ang kaliwa dala-dala ang pagkaing galing sa pagbo-volunteer, palaging naglalaro sa isip ni Herwin Jordan ang makulay at konkretong bahay na hindi basta mabubuwal kahit ng pinakamalakas na bagyo.

Marumi, masikip, madilim at mabaho ang lugar na kinamulatan ni Herwin ngunit makalipas ang tatlong dekada ay malinis, maluwag, maaliwalas at mabangong tahanan na ang kanyang ginagalawan.

Lahat ng ito, bunga ng pagsisikap at aral na natutunan mula sa bahay-kanlungan na walang hinihinging kapalit kundi makita ang pag-abot sa pangarap ng mga batang kanilang tinutulungan.

“Nagde-day dream din ako noon na sana balang araw magkaroon din kami ng magandang bahay o makabili kami ng mga bagay na wala kami before,” pagbabahagi ng dating calamansi vendor pero ngayo’y licensed real estate broker at sales manager na sa Ayala Land Premier sa panayam ng Inquirer Bandera.

Si Herwin, 36, ang isa sa mga matagumpay na alumni ng Tahanan Outreach Project and Services Inc., isang non-profit organization na tumutulong sa mga less fortunate children.

“Kapag naglalakad ako kasama ko si mama sabi ko sana sa susunod may sasakyan na tayo, now I have my own car,” dagdag ni Herwin. “Kapag yung iba nakikita kong namamasyal sa ibang lugar sabi ko sana makapag-travel din kami, ngayon nakakapunta na kami sa ibang bansa kasama mga kapatid ko.”

Dahil malapit sa puso ang juvenile and domestic relations court, itinatag ng namayapang Justice Corazon Juliano- Agrava ang TOPS noong 1969 para sa mga batang lalaking palaboy at para mabawasan ang juvenile delinquency. Maraming buhay na ang binago ng adhikaing ito sa loob ng 50 taong serbisyo sa komunidad.

Sa kasalukuyan, ipinagyayabong ni Valerie Agrava ang itinanim ng kanyang greatgrand aunt bilang pangulo ng Tahanan.

Aniya, puso at malasakit sa kapwa ang susi upang manatili ang institusyon nang ganito katagal sa kabila ng mga pagsubok lalo na sa pagkalap ng pondo.

Sa pamamagitan ng sustainable projects, partnership sa private companies tulad ng sikat na car brand, international donations at suporta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), nagpapatuloy ang humanitarian acts ng TOPS.

RAKETERO

Pang-apat sa walong magkakapatid at halos walang makain, nakita ni Herwin na hindi sapat ang kinikita ng amang si Albino sa pagwe-welding para tustusan ang kanilang lumalaking pamilya.

Kaya naman sumasama siya sa inang si Herminia sa mga outreach programs ng TOPS mula grade two hanggang grade six para magkaroon ng pagkain bilang kapalit sa kanilang kusang-loob na malaking bagay na para maitawid ang araw-araw.

Aniya pa, pagtanaw na rin ito ng utang na loob matapos siya at mga kapatid na makapag-aral dito ng pre-school.

Sa aral na itinuro ng foundation, natutunan ni Herwin ang maging madiskarte para maka-raket sa iba-ibang trabaho habang nag-aaral: Nagtinda sa palengke, naglinis ng isda, nangalakal ng bote’t dyaryo hanggang sa naging service crew, messenger, nag-buy and sell ng scientific calculator at nagbenta ng insurance.

Hindi sumuko, natapos niya ang Bachelor of Science in Business Administration major in Economics sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila noong 2005.

“Simula nung nakilala namin yung TOPS dun ko nakita na may mga ganitong foundation na pwedeng magmulat sayo na hindi ka lang mahirap habambuhay, na pwede kang maging succesful, na pwede mong maabot ang pangarap mo,” sabi ni Herwin.

Ngunit sadyang madaya ang tadhana, kung kailan masusuklian na sana ng anak ang sakripisyo ng ama ay pumanaw ito bago ang kanyang graduation. Ipinangako ni Herwin na hindi niya pababayaan ang pamilya.

“Dahil kay Justice Agrava, natulungan ko rin yung mga kapatid kong makapagtapos,” aniya.

BIRTH TO NEW THINGS

Maliban sa pre-school program, nasa listahan na ni Valerie ang pagkakaroon ng special education sa susunod na taon para sa mga batang may learning disabilities na aniya, ay malaking bagay lalo’t mahal ang pumasok sa SPED schools at maraming magulang ang in denial sa mabagal na cognitive development ng kanilang mga anak.

“We want to integrate this kind of educational setup because we want to let them know that these are things that they have to be aware of, na ‘yun ang mga symptoms na merong learning disability,” aniya.

Naghahanap sila ng mahusay na teacher-psychologist na tututok sa learning progress ng 50 batang mapipili sa programa.

“And we will put them out of the classroom and we’ll have special classes. Iba lang ang approach, hindi sila linear, more visual. They will be so functional after three or four years,” sabi ni Valerie.

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), naitayo rin ng TOPS ang “Liwanag ng Tahanan”, “Silungan” at housing project para sa mga volunteers na “TOPS Ville” sa Las Pinas City sa tulong ng Habitat For Humanity.

Para maipagpatuloy ang tulong pagkatapos ng pre-school, nakalinya pa sa mga proyekto nito ang computer-based tutorial sa elementary hanggang high school na magsisilbing stepping stone para sa mas magandang oportunidad pagtuntong sa kolehiyo.

“What you have to do is to provide them complimentary education kaya computer-based kasi ang gusto natin kapag nakatapos sila ng grade five going to junior high they can be competitive,” sabi ni Universty of the Philippines College of Law Dean at isa sa mga Board of Trustees ng TOPS na si Atty. Fides Cordero-Tan.

“Kasi ang panaginip natin baka naman pwede bigyan natin sila ng pagkakaton na makapasok sa magagandang paaralan and by that time we can do matching students as against scholarship grants,” dagdag ni “Nakaumang na po lahat ito, it’s very clear in our heads, we have voted on this, we have our hearts at it.”

Nakaabang din ang vocational training para sa mga hindi makakaapak sa higher education.

Isa pang nais ituro ni Valerie ay ang Japanese way of learning.

“Naiingit ako sa education system ng Japan. Sa kanila kasi from 3 to 6 years old walang formal education, there’s no reading and writing. It’s all bout values formation, concern for others, cleanliness, respect for elderly,” aniya. “How nice, I wish we can do that here in Tahanan, yung ganung klaseng awareness.”

PAY IT FORWARD

Upang makalikom pa ng pondo, pinaplano na rin ni Valerie at Herwin ang pagdadaos ng fun run para i-promote naman ang health and environment awareness sa tulong ng World Health Organization (WHO), World Wildlife Fund (WWF) at United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Isa ito sa mga bagay na nais ibalik ni Herwin sa TOPS bilang ganti sa pagbabagong binigay nito sa kanyang buhay.

“Actually hindi mo pwede sabihing magaling ako kaya ko naabot ito. With the help of different people and foundation sila yung nakatulong para maging successful ka,” aniya.

Hindi rin kinalilimutang lingunin ni Herwin ang kanyang pinanggalingan. Kwento niya, simula nang magkaroon siya ng sobrang pera ay taun-taon siyang nagbibigay ng school supplies sa kanilang dating lugar sa San Andres Bukid.

“Everytime na may blessings na natatanggap, I share it. You have to pay it forward.”

At sa tuwing may lumalapit na batang nagtitinda para pambili ng gamit sa eskwela, hindi tumatanggi si Herwin dahil naranasan niya rin ito.

“In that way mas makatutulong ka sa kanila kaysa yung bibigyan mo lang sila na wala silang ginagawa hindi sila matutuo dun. Sabi nga, turuan mo mangisda hindi yung ikaw magbibigay ng isda.”

Malungkot man nang pumanaw si Herminia noong 2015, masaya si Herwin na natupad niya ang pangako sa ama na maipalasap sa ina ang maginhawang buhay na malayo sa magulong squatter area na kanyang kinalakihan.

Hanggang ngayon sariwa sa alaala ni Herwin ang mga araw na mahigpit siyang nakakapit sa ina pauwi ng kanilang barung-barong habang tinatahi sa isip ang isang matibay at magandang tahanan na kanya nang nakamit dulot ng sipag at tiyaga.

“Masarap yung feeling kasi hindi ko ma-imagine na mangyayari yung ganun eh, pagbabalikan mo lang maiiyak ka din kasi iba yung pakiramdam na wala ka before tapos unti-unti sa tulong ng TOPS at ng mga taong tumulong napunta ako sa kinalalagyan ko ngayon.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...