Balitang Commute

Grab driver sinaktan, kotse nagkayupi-yupi

By: - 09/11/2019

IKINALUNGKOT ng Grab Philippines ang ginawang pananakit sa isang driver-partner nito at paninira sa kanyang minamanehong sasakyan dahil hindi nito pinayagang na sumakay ang limang pasahero.

Sa isang pahayag, sinabi ng Grab na batay sa safety standard na ipinatutupad ng mga car manufacturer apat na pasahero at isang driver lamang ang sakay ng isang sedan.

Mayroong nag-book sa hindi pinangalanang Grab driver at pagdating nito sa lugar ay apat na matanda at isang bata ang pasaherong gustong sumakay sa kanyang puting sedan.

“Children, regardless of age, shall be counted as one passenger. In case of accidents, the mandated insurance policy of PAMI and Grab’s third-party insurer only covers the allowable number of passengers in a car,” saad ng Grab.

Hindi pumayag ang driver na ikinagalit ng mga pasahero at mga kamag-anak ng mga ito.

Makikita sa cellphone video na nagkayupi-yupi ang sasakyan bagamat walang video na nagpapakita na ang mga tao sa lugar ang gumawa nito. Ipinakita rin ang mukha ng driver na mayroong sugat.

Minumura rin ng isang lalaki ang driver at iginigiit na hindi dapat bilangan ang bata dahil kakandungin lamang ito.

“We wish to reiterate to our Grab community to be mindful and respectful of our standard policies, and to observe responsible use of the Grab platform to ensure safety and security to each and every one.”

Sinabi ng Grab na tutulungan nila ang driver na makapagpagamot at legal na hakbang na gagawin nito.

“We stand firm in our position against violence and inappropriate behavior – for the welfare of both the driver-partners and passengers.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

TOTOO NGA BA: Pinay hindi Hapon ang World’s oldest living person?

Have you ever wondered kung sino at kung saan nakatira ang oldest living person in...

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...