outbrain
Good Vibes

Mag-ipon sa ‘bahay-alkansiya’ para sa pangarap mong bahay

By: - 09/16/2019

Photo: Baby Princess Gamboa/ Facebook

SULTAN KUDARAT- Sa komunidad na pinalilibutan ng mga puno ng niyog, isang artist at manggagawa na nakatira sa barung-barong sa gilid ng kalsada ang patuloy na nangangarap.

Kahit may kapansanan ay hindi sumusuko si Edgar Celis ng Barangay Kenram sa mga hamon ng buhay.

Sa loob ng kanyang munting bahay-bahayan na pwede ring sari-sari store, taon na ang binibilang ni Celis sa pagdisenyo at paggawa ng “bahay alkansiya” na para bang miniature houses na ikinatutuwa ng kanyang lumalagong bilang ng mga suki.

Panganay sa pitong magkakapatid si Celis at nagsimulang magtrabaho sa bukid sa edad na pito. Grade six lang ang kanyang tinapos dahil sa kahirapan.

Nang tumuntong ng 28-anyos, siya ay nagkasakit dahil na rin sa mabigat na gawain sa bukid at ang kanyang malusog na pangangatawan ay unti-unting namayat hanggang sa isang araw ay hindi na siya nakapagtrabaho. Hindi rin siya nagpakonsulta sa doktor dahil natatakot at walang sapat na pera para magpagamot.

Nakakalakad pa naman si Celis na 46 taong gulang na sa October 22 subalit mabilis nang mapagod kahit sa malapitan lang. Pero sa halip na kaawaan ang sarili, ginawa niyang motibasyon ang kapansanan upang gumawa ng pangalan.

“Naisip ko na mayroon akong talento na magagamit ko at para matulungan ang aking pamilya sa kabila ng kapansanan ko,” sabi ni Celis sa panayam ng Inquirer. “Ayokong iasa sa iba yung mga pangangailangan ko.”

Naniniwala siya na lahat ng tao ay biniyayaan ng talento. “Ang kailangan lang ay hanapin at hubugin yung talento mo at gamitin ito para tulungan ang sarili at ibang tao,” aniya.

Unang naisip ni Celis na mapagkakakitaan niya ang paggawa ng alkansya ilang taon na ang nakalilipas matapos bilhin ng isang namanghang tindero ang ginawa niya sa halagang P500.

Gawa ang maliliit na decorative houses sa mga itinapong karton at ice drop sticks at ipinagdidikit gamit ang glue stick. Maging ang paintings at drawings ay siya ang gumagawa.

Kapag gabi,umiilaw ang alkansya dahil sa mga rechargable white LED bulbs na ikinabit rito.

Nakatatapos si Celis ng three-square feet masterpiece sa loob ng tatlong linggo at maibebenta niya mula P1,500-P1,800.

Ang mas malaki at mas mahirap gawin na mga modelo ay aabot naman sa P3,000 o mataas pa depende sa disenyo habang ang mas simple ay kaya niyang gawin sa loob ng isang linggo sa halagang P500.

Inamin ni Celis na na nung nagsisimula pa lamang siya ay madalang ang bumibili dahil walang marketing at advertising ang kanyang produkto.

Pero ngayon ay sunod-sunod ang nais bumili ng mga alkansya matapos na i-post sa social media ng kanyang kaibigan at kapitahay na si Baby Princes Gamboa ang tungkol sa kanyang ginagawa.

“Gusto ko siyang tulungan dahil sa naaawa ako sa kalagayan niya,” sabi ni Gamboa sa Inquirer. “Sa  pamamagitan ng pag-post nito sa social media, umaasa ako na madadagdagan ang orders niya.”

Habang dumadami ang nais bumili, pinakiusapan ni Gamboa ang mga customer na mag-hintay lang dahil may katagalan bago matapos ang isa.

Pagbabahagi pa ni Celis, na-inspire siyang gumawa ng mga alkansya para tulungan ang mga magaulang na ituro sa kanilang maga anak ang kahalagahan ng pag-iipon.

“Magandang kaugalian ang pag-iipon na dapat matutunan nating lahat. Kapag may ipon ka, may bubunutin sa panahon ng emergency o kung gipit ka,” aniya.

Naisin man ni Celis na tumanggap ng mas marami pang orders pero hindi magawa dahil wala siyang katulong sa paggawa nito.

“Yung ganitong klaseng trabaho kailangan ng special skills at tiyaga,” sabi ni Celis na bukas para turuan ang mga nais matuto.

Bago nagkasakit, naging karpentero rin siya at natutong mag-ayos ng sirang appliances na kanyang nagagamit sa paggawa ng mga alkansya.

Ngayong dumadami ang orders, nais bumili ni Celis ng laptop para makapag-research ng mga bagong disenyo at para magamit rin ng mga pamangkin sa pag-aaral.

Sa kabila ng kasikatan sa social media, hirap pa rin sa pang araw-araw na gastusin si Celis. Sapat lang ang kanyang kinikita sa maliit na sari-sari store. “Masuwerte na kung makabenta ng P100 sa isang araw.”

Isa pang ikinatatakot ni Celis ay ang pagpapaalis sa kanyang bahay sa gilid ng kalsada kung saan daan-daang kapitbahay rin niya ang nakatira.

Kapag nagkaroon ng sapat na pera, plano niyang lumipat sa bahay na kahawig ng mga alkansyang kanyang ginagawa ngunit may mas malaking espasyo para ipakita ang mga obra.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...