outbrain
Good Vibes

Netizens naantig sa batang nagtitinda ng tinapa para mabuhay

By: - 09/20/2019

Photo: Jewel Rashia/ Facebook

ARAL ang iniwan ng grade six student na masigasig na nagtitinda ng tinapa at daing sa mga netizens na higit na nakatitikim ng ginhawa sa buhay.

Para may pambaon sa eskwela at pambili ng gamot para sa amang may sakit, tinitiis ni Lance Abarquez buhatin ang basket na punong-puno ng pinatuyong isda at maglakad nang malayo maubos lang ang paninda.

Ang sipag at determinasyon ng paslit na makatulong sa pamilya sa murang edad ang pumukaw sa damdamin ni Jewel Rashia.

Pagbabahagi niya sa Facebook post na umabot sa 48,000 shares at 88,000 reactions, magkasama sila ng ina habang kumakain sa fastfood chain sa Pateros nang makita nila ang bata.

“After few minutes umakyat yung bata tapos sakto tabi ng hagdan puwesto namin. Paglapit pa lang ng bata ang galing ng speech niya kung paano niya in-introduce yung tinda niya kala mo nasa commercial eh,” sabi ni Rashia.

Nalaman nila na nakatira pala si Lance sa Gawad Kalinga sa Sta Ana, Pateros. Patay na ang nanay nito at ang tatay ay may karamdaman. Mabuti na lang at nariyan pa ang kanyang tiyahin para sustentuhan ang kanyang edukasyon.

“Makikita mo talaga sa bata na pursigidong mag-aral, makatulong sa pamilya kahit na sa ganyang edad pa lang siya,” dagdag pa ni Rashia.

Para sa kanya, ang kuwento ni Lance ay leksyon para sa kabataan na walang ginawa kundi sundin ang kanilang mga luho.

“Kaya sa ibang kabataan dyan maging aral sana to sa inyo na hindi madali ang buhay, hindi madaling kumita ng pera kaya wag lang kayo puro “ma/pa penge pera” sa magulang nyo matuto din kayong dumiskarte,” sabi ni Rashia.

Nais din niyang maisip at masuklian ng kabutihan ng ibang bata ang sakripisyo ng kanilang mga magulang.

“Hindi niyo alam yung paghihirap ng magulang natin mabigyan lang tayo ng magandang buhay.”

Ipinanawagan ni Rashia sa publiko na sakaling makasalubong si Lance at mag-alok ito ng tinapa o daing ay huwag tanggihan dahil malaking tulong ang pagbili para sa gastusin ng bata at pamilya nito sa araw-araw.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...