outbrain
Good Vibes

Pinay teenager UN adviser for children and youth

By: , - 10/09/2019


Ipinarinig ng isang Filipina teenager ang kanyang boses sa United Nations.

Si Zcyrel Barola, 17, ng Donsol, Sorsogon ay isa sa mga miyembro ng children and youth advisory council na binuo ng United Nations International Children’s Emergency Fund (Unicef).

Inatasan ang council na gumawa ng “child-friendly” version ng United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC).

Tinalakay ni Barola ang kahalagahan ng pakikialam ng kabataan tungkol sa human rights sa pagtitipon sa Geneva, Switzerland nitong Sept. 16.

Ayon sa report ng Philippine Daily Inquirer, 13-taong gulang pa lamang ay aktibo nang lumalahok sa mga ganitong usapin ang dalaga sa Donsol. Lumalahok siya sa mga council meeting kasama ang mga lokal na opisyal para pag-usapan ang pag-unlad ng mga bata sa Sorsogon.

Isa ang Donsol sa most child-friendly communities sa Pilipinas kung saan kasali ang kabataan sa decision-making ng bayan.

Pinamunuan ni Barola ang Donsol Federation for Children bago sumapi sa children’s rights group na Educo Philippines.

Sinabi niya sa Inquirer na ang kasalukuyang porma ng UNCRC ay “was done and crafted by adults, which would make it hard for children to understand its contents.”

Sinubukan ng UN na mag-draft ng mas child-friendly version ng UNCRC sa mga nakalipas na taon. Subalit ito ang unang pagkakataon na pormal na humingi ng tulong ang Unicef sa mga child at youth leaders para sa mas mapaganda ang convention.

Kasama ang youth leaders mula sa ibang bansa, mahigit isang buwang nag-usap sina Barola online. Layunin nilang mas padaliin ang pag-intindi sa UN agreement para sa mga bata.

Ang salitang “dignity” ay napalitang ng “reputation” habang ang “race” ay naging “color of their skin.”

“When it’s more understandable, the child can better absorb the content,” ani Barola. “They’re [better] able to [tell] if their rights are being violated and [know] what they have to do.”

Nagbigay daan ang pagkakasali sa Educo at sa federation para mapuntahan niya ang mga shelter na kumakalinga sa children in conflict with the law and at mga batang babaeng inabuso. Nabisita niya rin ang remote areas sa Sorsogon kung saan sira-sira ang mga paaralan.

Naging eye-opener para kay Barola ang mga nasaksihan. Aniya, kailangan niyang gumawa ng “something to make their situation better. Because I am fortunate enough, I have to do something to make them feel fortunate.”

Ngunit katulad ng iba, normal na teenager pa rin ang senior high student sa Legazpi Science High School. Mahilig siyang gumamit ng social media at manood ng celebrity “vlogs,” aniya sa Inquirer.

Honor student din si Barola at nais na magkolehiyo sa Diliman para kumuha ng kursong social work and development.

Ipinangako niya na ipagpapatuloy ang child rights advocacy kahit pa 18-anyos na siya sa susunod na taon. Ang kanyang payo sa mga bata: “never be contented… with being thought of only as a ‘child.’”

“Never be intimidated by those who underestimate your beliefs and abilities,” sabi ni Barola. “Always take a step forward, because even though you are young, you always have something.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...