outbrain
Good Vibes

Tricycle driver, beautician role models ng Zamboanga del Sur

By: - 09/23/2019

PAGADIAN CITY— Isang tricycle driver at isang beautician ang ilan sa mga taong kinilala ng   Zamboanga del Sur provincial government bilang  role models ng lalawigang may higit isang milyong populasyon.

Parte ang awarding ceremony ng 67th founding anniversary celebration ng probinsya.

Tinawag na “very courteous and respectful,” pinangalanan si Zosimo Eramis na Most Outstanding Tricycle Driver.

Itinuturing din siyang “an example of a disciplined driver” dahil sa kanyang personal conduct na dapat tularan ng ibang drivers habang nagseserbisyo sa publiko.

Hindi pa nairereklamo si Eramis at ipinakikita ang pagpapahalaga sa mga pasahero sa pamamagitan ng paghatid sa mga ito ng ligtas sa kanilang patutunguhan.

Dating jeepney driver sa Cebu City noong 1995 si Eramis at kasalukuyang nakatira sa Barangay San Jose, Aurora.

Sinabi niya na laging alerto ang kanyang isip habang nagmamaneho dahil alam niyang nasa kanyang kamay ang buhay ng mga pasahero.

Sinisiguro rin ni Eramis na presentable ang kanyang itsura at laging nagsusuot ng malinis na damit.

Higit sa pagiging maayos ang kasuotan, paraan din ito ng pagrespeto sa mga pasahero, aniya.

Tinanggap naman ni Ray Cimafranca ang Outstanding Beautician recognition dahil sa pagbibigay ng “honor and prestige in the field of beauty care in Pagadian City and the whole province.”

Ang karanasan ni Cimafranca, nakasaad pa sa citation, ay halimbawa ng sipag at dedikasyon sa kanyang trabaho.

Nagmamay-ari si Cimafranca ng beauty salons sa Pagadian City. Tinuruan niya rin ang matatagumpay nang beauticians at hair stylists sa lugar na nag-umpisa bilang kanyang mga staff. ‘Di kalaunan, ang kanyang mga empleyado ay nagkaroon na rin ng sariling negosyo.

Nagtrabaho sa Malaysia, Brunei at Singapore si Cimafranca bago naitayo ang negosyo. Sa mga bansang ito siya nakakuha ng sapat na karanasan at nakapag-ipon ng sapat na pera para sa kanyang dream business.

Mababasa sa citation, ang mga salon ni Cimafranca ay nagbibigay “opportunities to aspiring beauticians and hair stylists. ”

Maliban kina Eramis at Cimafranca, pinarangalan din ang mga nasa law enforcement, agriculture, local governance at academe.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...