outbrain
Balitang Commute

Traffic solution: Metro Manila governor kailangan

By: - 10/03/2019

MATAGAL ko nang sinasabi, hindi uubra ang Metro Manila Commission at Metropolitan Manila Development Authority para gawan ng solusyon ang trapik sa Metro Manila.

Labing-pitong hari ang naglalaban-laban para sa supremacy sa Metro Manila at kahit anong gawin ng MMDA Chairman, kapag na-invoke ang voted against appointed ay walang laban si Chairman ng MMDA.

Isipin ninyo, kahit na anong gawin, hindi puwedeng utusan ng MMDA na ipasara ang mga entries ng mga sasakyan sa malls na nasa gilid ng EDSA. Pero isa ito sa pinakamalaking dahilan ng bottleneck sa major artery na ito.

Kapag tumakbo sa mayor ang may-ari ng mga malls, na siguradong nagbigay o tumulong kay mayor, talo sa desisyon ang MMDA.

Marami pang ibang isyu sa trapiko na hindi kaya ng MMDA ayusin dahil sa mga probisyon sa Local Government Code tulad ng paglalatag ng isang comprehensive road network and route system sa Metro Manila, dahil ang trapik, ayon sa Local Government Act, ay responsibilidad ng LGU.

Ito ang dahilan kaya puwedeng tanggihan ng Makati ang number coding ng MMDA at gumawa ng sarili nitong policy o kaya ay puwedeng kumpiskahin ng Makati ang lisensiya kahit sabi sa batas ng LTO ay hindi ito puwede.

Dito papasok ang “need” o pangangailangan ng isang Governor ng Metro Manila. Kailangan ng isang halal or elected leader ng buong Metro Manila na mas mataas sa mga alkalde na siyang magtitimon sa development planning ng buong National Capital Region.

Dapat siguro na meron na itong tanging pinuno na siyang mag-manage ng pangangailangan ng lahat ng residente nito na hindi maibigay ng mga mayor nila.

Sa totoo lang, dahil ang MMDA ay nasa ilalim ng Office of the President, ang de facto Governor nito ay ang Pangulo ng Pilipinas. Pero sa dami ng inaasikaso ng pangulo, hindi na niya mahaharap lahat ng maliit na detalye ng problema sa Metro Manila.

Pero ang masakit nito, anuman ang itsura ng Metro Manila, ito ang magiging image ng buong bansa, at ang trapik ay isang solid description nito.

Kailangan na kumilos ang Senado at Kongreso upang gawin political unit o local government unit ang Metro Manila, lagyan ito ng governor at maglatag ng isang buong master development plan na kailangang sundin ng lahat ng mayor nito para magawan na ng solusyon ang trapik, pagbaha, squatter, basura, zoning at maraming iba pa na siyang dahilan kaya napakagulo ng region na ito.

***
Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected]

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...