NAGDEBATE online ang mga basketball fans matapos ihain ni 1-Pacman Rep. Mikee Romero sa House of Representatives ang House Resolution 388 o ang pagbabawal sa mga foreign players na maglaro sa collegiate leagues gaya ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Sabi ni Romero, naaagawan umano ng oportunidad ang mga homegrown cagers.
Kung titignan, halos lahat ng teams sa dalawang oldest collegiate leagues sa bansa ay may import sa bawat season sa mga nakalipas na taon. Karamihan sa kanila, galing sa mga African countries gaya ng Senegal, Nigeria at Cameroon.
Ngunit bago pa man ang panukala ng kongresista, nauna nang nagdesisyon ang NCAA board noong 2018 na wala ng foreign player ang makapaglalaro simula Season 96 o sa 2020. Ang UAAP naman, hindi pa ito napag-uusapan.
Hati ang naging reaksyon ng netizens hinggil sa isyung ito sa ginawang poll ng Inquirer Libre. Maraming pabor at marami ring umalma. Ito ang ilan sa kanila: