outbrain
Balitang Commute

LRT1 Cavite extension wala ng problema sa right-of-way

By: - 10/08/2019

MALAPIT na umanong matapos ang problema sa Right-of-Way para sa itinatayong Light Rail Train 1 Cavite Extension.

Sa isang pahayag ng DoTr- Light Rail Manila Corporation na ang nalalabi na lamang problema sa RoW ay isang tubo ng Maynilad, telco and cable facilities ng anim na kompanya at ilang ancillary facilities at 18 lote na kailangang bilhin mula sa tatlong may-ari nito.

Ayon sa Maynilad ang kailangan na lamang para mailipat ang kanilang 1100mm pipe ay permit mula sa Cavite Infrastructure Corporation, ang operator ng Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEx).

Sa pakikipagpulong sa Toll Regulatory Board, sinabi ng CIC na ibibigay nito ang permit bago mag-Nobyembre.

Naniniwala ng DoTr na hindi magiging abala ang Maynilad, CIC sa proyekto ng LRMC dahil ang mga kompanyang ito ay pagmamay-ari ng Metro Pacific Investments Corporation ni Manny V. Pangilinan.

Nangako naman ang Cable Link, Eastern Telecoms, Globe Telecom, PLDT, Radius Telecoms, at Sky Cable na tatapusin ang paglilipat ng kanilang mga kable ngayong buwan.

Ang pagtatanggal naman ng ancillary facilities gaya ng plant boxes, poste ng ilaw, traffic light at CCTV ay pinayagan na ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Ang mga permit na kailangan para sa 18lote na madaraanan ng riles ay inaasahan namang ibibigay na ng mga may-ari ngayong buwan. Ang mga may-ari ay ang Philippine Reclamation Authority, Puregold at D.M. Wenceslao.

Ang LRT1 Cavite extension ay inaasahang magkakaroon ng partial operation sa 2021. Aabot sa 800,000 pasahero kada araw ang maaaring maserbisyuhang nito.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...