Balitang Commute

Mass transportation crisis sa MM hindi totoo-DOTr

By: - 10/08/2019

HINDI umano totoo na mayroon ng mass transportation crisis sa Metro Manila.

Ayon Department of Transportation Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran kung tutuusin ay mas maganda na ang serbisyo ng mga tren ngayon kumpara sa mga nagdaang taon.

“Hindi tama na sabihin na may mass transportation crisis dahil nga ‘yung mga riles na sinasabi niya ay may mga significant improvements naman as compared to operations niyan in the past years,” ani Libiran.

Sa Metro Rail Transit 3, sinabi ni Liberan na 57 lamang ang naitalang unloading incident noong 2018 kumpara sa 587 na naitala noong 2016.

Patuloy din umano ang paggawa sa MRT 7 at ang mga extension ng LRT1 at LRT2 at Philippine National Railways.

Iginiit ni Libiran na ang nangyari sa LRT2 ay “operational risk”.

“It’s something that we do not want to happen. It’s not of our own liking, it’s not of our own wanting.”

Ngayong araw ay nakabiyahe na ang mga tren ng LRT2 mula sa Cubao, Quezon City at Recto, Manila.

“So parang hindi naman tamang sabihin na nasa krisis e dumadami na nga ngayon ‘yung mga rail lines natin e at ‘yung mga hindi na-address nang matagal na panahon, ina-address na nga ngayon,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi ni Libiran na ayaw ng ahensya na ituon ang atensyon nito sa sisihan dahil ang dapat ay magkaroon ng bayanihan. “Hindi sisihan o hindi turuan. I-address muna natin ‘yung problema.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

‘Tutok mentality’: Bad trait of Pinoy drivers

  LAST week, isang motorcycle rider ang nasawi matapos siyang “ma-sandwich” sa pagitan ng isang...

Driver na low IQ dapat bawal sa kalye

NAGALIT nang sobra ang Pangulong Duterte sa napabalitang aksidente sa South Cotabato na nagbigay ito...

House Resolution: Foreigner hindi dapat paglaruin sa UAAP, NCAA

NAGHAIN ng resolusyon ang isang kongresista upang ipagbawal ang mga foreigner na estudyante sa paglalaro...

Netizens naantig sa batang nagtitinda ng tinapa para mabuhay

ARAL ang iniwan ng grade six student na masigasig na nagtitinda ng tinapa at daing...

TOTOO NGA BA: Pinay hindi Hapon ang World’s oldest living person?

Have you ever wondered kung sino at kung saan nakatira ang oldest living person in...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...