Balitang Commute

Trapik hindi deserve ng Pinoy- solon

By: - 10/09/2019

HUMINGI ng paumanhin sa publiko ang chairman ng House committee on transportation dahil sa patuloy na pagbigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento hindi deserve ng mga Filipino ang nararanasan nitong trapik.

“From the bottom of my heart, as the chairman of the Committee on Transportation, including the vice chairpersons, the members of the Committee on Transportation, to include the members of the 18th Congress chaired by Speaker Alan Peter Cayetano, kami po’y humihingi ng paumanhin sa mamamayan for their suffering,” ani Sarmiento. “You deserve better in life.”

Nagsagawa ng pagdinig kahapon ang komite ni Sarmiento kaugnay ng pagkasira ng Light Rail Transit 2 na nagpapatupad ngayon ng partial operation at ang mabigat na daloy ng trapiko palabas ng South Luzon Expressway.

“We are now in the middle of a serious crisis and we must all work together to get out of this situation. I just hope that this time, our transport sector including our public utility operators can truly understand the gravity of our problem and take the actions necessary to get us out of this situation,” dagdag pa ng solon.

Sinabi ni Sarmiento na maghahanap ng solusyon ang komite upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko habang hinihintay na matapos ang mga proyekto.

“I am a little bit emotional because I can see the suffering of our constituents. A never-ending suffering and I wonder why, despite a P4.1-trillion budget duly passed by this House, we cannot even have the decency of a mass public transportation system,” dagdag pa ng solon.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

‘Tutok mentality’: Bad trait of Pinoy drivers

  LAST week, isang motorcycle rider ang nasawi matapos siyang “ma-sandwich” sa pagitan ng isang...

Driver na low IQ dapat bawal sa kalye

NAGALIT nang sobra ang Pangulong Duterte sa napabalitang aksidente sa South Cotabato na nagbigay ito...

House Resolution: Foreigner hindi dapat paglaruin sa UAAP, NCAA

NAGHAIN ng resolusyon ang isang kongresista upang ipagbawal ang mga foreigner na estudyante sa paglalaro...

Netizens naantig sa batang nagtitinda ng tinapa para mabuhay

ARAL ang iniwan ng grade six student na masigasig na nagtitinda ng tinapa at daing...

TOTOO NGA BA: Pinay hindi Hapon ang World’s oldest living person?

Have you ever wondered kung sino at kung saan nakatira ang oldest living person in...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...