outbrain
Balitang Commute

Panelo’s commute challenge: More than 3 hours ride of 3 jeepneys, 1 angkas

By: - 10/11/2019

 

Ang unang jeepney na sinakyan ni Secretary Panelo.

UMABOT ng tatlong oras at 31 minuto ang biyahe ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa kanyang ginawang commute challenge kung saan sumakay siya ng tatlong pampasaherong jeepney at nakiangkas sa isang motorsiklo para makarating sa Malacanang.

Sinabi ni Panelo na umalis siya ng bahay ng alas-5:15 ng umaga at nagpalipat-lipat sa tatlong jeepney at inalok ng angkas ng isang nagmagandang loob na nagmomotorsiklo para makarating ng Malacanang ng 8:46 ng umaga o makalipas ang tatlong oras at 31 minutong biyahe.

“Noong una kong sakay ng jeep mga 5 minutes; pangalawa kong sakay, mga 10 minutes; iyong pangatlo mga 20 to 25 minutes,” sabi ni Panelo nang tanungin kung gaano katagal ang ginugol niyang oras para makasakay ng tatlong jeepney.

Selfie ni Secretary Panelo habang nasa loob ng jeepney.

Inamin ni Panelo na mula sa dating alas-7 ng umaga, kinailangan niyang gumising ng alas-5 ng umaga para mag-commute.

“Everyday dapat 5 o’clock gising ka na.Umalis ako kanina, naglakad ako bago pumunta ako doon sa sasakyan ng jeep mga… 5:15 ako umalis. It took me 12 to 15 minutes to walk,” kwento pa ni Panelo.

Idinagdag ni Panelo na puro trapik ang kanyang naranasan sa pagsakay ng jeepney.

“Palagi namang may trapik. Ang ginagawa ko talagang pinupuntahan ko iyong ruta ng mga nahihirapan na mga kababayan natin. Pareho din ng iba,  pumipila talaga, nakikipaghabulan ka, dahil puno na, at this time talagang puno na ang mga sasakyan eh,” dagdag ni Panelo.

Kasabay nito, muling nagpaliwanag si Panelo sa kanyang naunang pahayag na wala namang mass transport crisis sa bansa.

“Ang problema kasi hindi ninyo inintindi iyong sinasabi ko. Ang sinasabi ko, walang crisis kasi walang paralysis; pero may krisis tayo pagdating sa paghihirap ng mga kababayan natin. Hindi ninyo kasi iniintindi iyong sinasabi ko, pareho rin ng hindi ninyo pag-intindi kay Presidente pag nagsalita eh,” ayon pa kay Panelo.

Ang huling jeepney na sinakyan ni Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na tinanggap niya ang hamon ng Bagong Alyansang Makabayan  (Bayan) para ipakitang alam din ng mga nanunungkulan ang paghihirap ng mga mamamayan.

5C785847-C1F2-476B-999B-192C3B796D2B

Alam mo kaya ko tinanggap kasi parang pinalalabas nila na kaming mga nasa gobyerno na may malaking puwesto ay hindi kayang gawin ang ordinaryong ginagawa ng mga tao; lahat iyan dinaanan namin at kaya naming balikan ulit,” giit pa ni Panelo.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...