Balita

‘Tutok mentality’: Bad trait of Pinoy drivers

By: - 10/11/2019

 

LAST week, isang motorcycle rider ang nasawi matapos siyang “ma-sandwich” sa pagitan ng isang jeepney at UV Express.

Ayon sa ulat, biglang preno ang isang jeepney habang bumabagtas sa Shaw blvd. sa Mandaluyong.

Sa kasamaang palad, nakatutok ang isang UV Express van sa likod ng jeepney na hindi nakapreno agad at sumalpok sa jeepney.

Ang masakit nito, may motorsiklo rin palang  nakatutok sa likod ng UV Express at sa likod ng motorsiklo ay isang jeepney ulit ang nakatutok din.

Five-car-smash-up ang naging resulta at ang trahedya, naipit at namatay ang rider ng motorsiklo nang sumalpok ang ikalawang jeepney sa kanya at likod ng UV Express.

Sasabihin ng madami kasalanan ito ni ganito o ni ganyan, ni jeepney sa harap dahil bigla- bigla pumreno, o si UV Express dahil nakatutok, o si motorsiklo, o si second jeepney driver.

Pero ang totoo, kasalanan ito ng nakasanayan na ng maraming driver — ang kultura ng tutok.

Ang “tutok mentality” natin kung saan laging nakadikit ang nguso ng ating sasakyan sa sinusundang sasakyan sa harap ang ugat ng tragedy na ito.

At ang mentalidad na ito na obviously ay buhay na buhay sa maraming drivers dahil sa tindi ng galit sa mga “maniningit” sa kalsada.

Hindi ko maintindihan, bakit ayaw natin padaanin o pasingitin ang kotseng nais lumipat ng linya. Bibilisan pa natin ang maneho at tututukan ang sasakyang nasa harapan natin kapag nakita natin yung signal light.

Nakakaliit ba ng pagkatao natin ang masingitan ng isang sasakyan kung kailangan naman pala talaga niyang lumipat ng linya dahil liliko siya sa bandang harap ng daanan?

Hindi mo naman masasabing magiging sagabal siya dahil umaagos naman kayo at isa o dalawang kotse lang naman sila.

Sa natural na batas ng lansangan o trapiko ang distansya ng isang kotse sa harap niya ay depende sa tulin niya.

Ang 2-second rule ay para sa natural na tulin ng traffic at may average distance na isang kotse sa pagitan ninyo. Ito ay kahit 20-kilometers per hour lang ang takbo, ayon sa LTO.

Tataas ang 2-second rule ng 4-seconds pag umangat na sa 40-60 kph ang tulin ng trapik. At habang tumutulin ay lalo nang lumalayo ang distansya.

Sa 100kph, ayon sa LTO manual, dapat ay may apat na kotse na ang distansya mo sa sasakyan sa harap upang ligtas kang makahinto sakali man sila ay magkaaberya.

Tandaan po ang mga katagang “Distansya Amigo” na nababasa ninyo sa likod ng mga trak sa highway. Importante ‘yan!

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...