outbrain
Balitang Commute

Panelo hindi magso-sorry sa aberyang dulot ng kanyang commute challenge

By: - 10/14/2019

Selfie ni Secretary Panelo habang nasa loob ng jeepney.

SINABI ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi siya magso-sorry sa naranasang aberya ng mga pasahero at motorista matapos naman ang kanyang commute challenge noong Biyernes.

Siguro dapat mag-apologize iyong mga nasa media. Kasi if you recall, I declined coverage despite the pakiusap ng mga MPC, at itinago kung saan ako pupunta at saan ang aking lakad,” sabi ni Panelo sa isang briefing.

Idinagdag ni Panelo na nagdesisyon pa siyang wag nang bumaba sa Cubao para sumakay ng Light Rail Transit-2 (LRT-2) para makaiwas sa mga miyembro ng media na nag-aabang.

“And the reason why I did not step down in Cubao—supposed to be doon ako sasakay eh, sa may bandang Hemady. Mayroong LRT doon eh. But since you were all… most of your colleague were already there inside, eh ayaw ko noon kasi nga precisely I declined, I don’t want to make a spectacle. Kung tinuloy ko iyon, talagang spectacle iyon dahil susunod hanggang sa LRT. Marami talagang maaatraso,” dagdag ni Panelo.

Idinagdag pa ni Panelo na wala na siyang balak na tanggapin ang susunod na hamon ng mga kritiko ng gobyerno.

“Wala na iyon. Alam mo, kaya ko lang naman pinagbigyan sila ay para ipamukha sa kanila na hindi totoo iyong sinasabi nila na hindi namin nararanasan. Kahit na hindi ka sumakay doon, mararanasan mo kasi araw-araw nakikita mo iyon eh. Kapag dumaan ka doon sa lugar na antayan ng jeepney, ng bus, makikita mo nakapila,” paliwanag ni Panelo.

“Makikita mo rin kung papaano sila nakikipagbunong sumakay. Kapag rush hour talagang ganoon ang nakikita ng lahat kaya hindi na kailangang tumanggap pa ng ganung paghamon'” giit pa ni Panelo.

Ito’y bilang sagot sa panibagong hamon sa mga opisyal ng gobyerno na anim buwang mag-commute.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...