Feature

Mental diseases dapat seryosohin

By: - 10/14/2019

National Mental Health Week noong naka-raang linggo, at ito ay ipinagdiriwang base sa Proclamation No. 452 na pinirmahan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1994.

Ito ay alinsunod na rin sa pagdiriwang ng World Mental Health Day tuwing Oktubre 10 at layon nitong mapalawig ang kaalaman sa malusog na kaisipan.

Narito ang ilang mental diseases na hindi dapat balewalain, maaaring may kapamilya o kaibigan o kasama sa trabaho na nakikipaglaban dito.

1. Anxiety disorder

Ang mga tao na may anxiety disorder ay sumasagot sa ilang bagay o sitwasyon na may takot at sindak pati na rin pagkabalisa o pagkagulat. Kabilang sa mga anxiety disorder ay generalized anxiety disorder, panic disorder, social anxiety disorder at phobia.

2. Mood disorder
Tinatawag din itong affective disorders at kinakikitaan ito ng walang tigil o sobrang kalungkutan o kasiyahan. Ang mga karaniwang mood disorders ay ang depresyon, bipolar disorder at cyclothymic disorder.

3. Psychotic disorder

Kinakikitaan ng magulong kamalayan at pag-iisip ang mga taong merong disorder na gaya nito. Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng psychotic disorders ay ang halusinasyon at pagkahibang. Ang schizophrenia ay isang halimbawa ng psychotic disorder.

4. Eating disorder

Kinakikitaan ng sobrang emosyon, saloobin at pag-uugali pagdating sa pagkain at timbang. Ang anorexia nervosa, bulimia nervosa at binge eating disorder ay ang mga karaniwang eating disorders.

5. Impulse control  and addiction disorder

Hindi mapigilan ng mga tao na may impulse control disorder ang udyok na gumawa ng mga bagay na makakasakit sa kanila o sa ibang tao. Ang pyromania, kleptomania at compulsive gambling ay mga halimbawa ng impulse control disorders. Ang alkohol at droga ay ang mga karaniwang bagay naman na pinagmumulan ng adiksyon.

6. Personality disorder

Ang mga tao na may personality disorders ay may sobra at matigas na personality trait na nagdudulot ng dusa sa may sakit nito at problema sa trabaho, eskuwelahan o pakikipagrelasyon sa ibang tao. Ang mga halimbawa nito ay antisocial personality disorder, obsessive-compulsive personality disorder at paranoid personality disorder.

7. Obsessive-compulsive disorder (OCD)

Ang mga tao na may OCD ay inaatake ng madalas na pag-iisip o mga takot na nagiging sanhi para gumawa sila ng ilang ritwal o routine. Ang halimbawa nito ay ang tao na madalas na naghuhugas ng kamay dahil sa takot sa germs.

8. Post-traumatic stress disorder  (PTSD)

Kondisyon na nagsisimula matapos ang isang truamatic o nakakatakot na pangyayari tulad ng biglaang pagkamatay ng isang mahal sa buhay, sexual o physical assault, at kalamidad. Ang mga tao na may PTSD ay kadalasang may mga hindi makalimutang mga alaala ng pangyayari na nagiging sanhi para maging manhid sila sa kanilang mga emosyon.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...