
Photo: Twitter/ Rachel McKinnon (middle)
Ayaw ng Pinoy netizens na makasali sa female sports events ang transwomen.
Ito ang kanilang naging tugon sa poll na isinagawa ng Inquirer Libre.
Nagkakasundo sila sa paniniwalang nananatili ang “natural strength” nila bilang lalaki kahit pa pinili nilang maging babae.
Noong 2018, Gumawa ng kasaysayan si Rachel McKinnon bilang first-ever transwoman matapos magwagi ng rainbow jersey nang lumahok sa sa women’s 35-44 sprint ng UCI Masters Track World Championships sa Los Angeles, California.
Naidepensa ng biologically-born male na si McKinnon ang kanyang titulo nitong Oct.19 sa Manchester, England. Dahil dito, muling nabuhay ang isyu ukol sa mga transgender sa mundo ng sports.
Sa report ng cyclingweekly.com, sinabi ni McKinnon sa isang interview ng UK-based tv news channel na Sky News na “unfair” ito para sa kanila.
“There’s a stereotype that men are always stronger than women, so people think there is an unfair advantage,” sabi ng Canadian cyclist. “By preventing transwomen from competing or requiring them to take medication, you’re denying their human rights.”
But did you know na since 2004 Athens Olympics ay pinayagan na ang mga transgender na sumali sa quadrennial sportsfest?
Ang interesting twist? Ang mga atleta na nag-transition from female to male ay maaaring lumahok sa male competition nang walang restrictions. Malayo ito sa higpit na pagdadaanan ng mga lalaking atleta na gustong maging babae.
Noong una, kailangan nilang sumailalim sa gender confirmation surgery at two-year hormone therapy.
Ngunit noong 2015 ay tinanggal sa rules ang operasyon. Pinalitan ito ng testosterone level requirement.
Kailangang below 10nmol/L (nanomoles per liter) ang kanilang testosterone level sa loob ng 12 buwan bago ang kanilang unang kumpetisyon. Ang average range ng adult females ay 0.52-2.8 nmol/L. May approximate range naman na 8-35nmol/L ang normal adult males.
Ayon pa sa cycling weekly, mas mahihirapan din ang transgender athletes para sa darating na 2020 Tokyo Olympics. Nais kasi ng organizers na kalahatiin pa ang maximum level of testosterone allowed. Subalit nakabitin pa ang guideline dahil hindi pa ito plantsado sa International Olympic Committee (IOC).
Narito ang ilan sa comments ng mga netizens ukol sa isyu: