outbrain
Balitang Commute

Iba’t ibang rason bakit bastos ang jeepney, bus drivers

By: - 10/23/2019

 

SA araw-araw na ginawa ng Maykapal, nakikita at nasisita natin ang walang disiplinang estilo ng pagmamaneho ng mga driver ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa.

Hihinto sa gitna ng lansangan para magbaba at magsakay ng pasahero, bawat kanto ay pinaparadahan, at para bang sadyang gumagawa ng trapik sa tuwing sila ay pumapasada.

Hindi natin maintindihan ang ganitong ugali ng pagmamaneho gayong nakikita naman nating lahat, pati yung mga barumbadong driver ng jeep at bus, na perwisyo na sila sa lansangan.

So pinuntahan ko yung ilegal na terminal ng bus at jeep sa Quezon Memorial Circle at nakipaghuntahan ako sa mga drayber doon. Medyo nagulat ako sa kuwento nila sa atin.

Pasahero, kita at boundary ang puno at dulo ng kanilang bastos na istilo ng pagmamaneho. Lagi silang naghahabol ng pasahero para maabot nila ang karampatang kita para sa boundary nila, gastos sa krudo at langis at siyempre para may mai-uwi sa pamilya nila.

Bawat pasahero ay mahalaga sa mga drayber na ito dahil maliit lang naman ang kita nila at mas madaming pasahero, mas malaki at kanilang kikitain.

Humihinto sila sa gitna ng lansangan dahil “strategic” ito sa kanilang pasada. Kailangan nila harangan yung mga ibang jeep at bus sa likod nila para yung pasahero sa bandang harapan ay sa kanila pa din sumakay.

“Minsan sinasadya naming magpa-trapik para mabilis namin mapuntahan yung pasahero sa susunod na kanto at hindi maagaw nung nasa likod namin,” sabi ni Oslec Ramos, isang jeepney drayber sa rotang Fairview-EDSA Quezon Ave.

Ang mga bus naman ay ganun din. Balagbag sa daan dahil kailangan mapuno ang bus para maabot ang boundary at krudo.

Bunga ito ng boundary system na siyang pinagkukunan ng kita ng isang drayber ng bus, jeep at taxi sa Pilipinas. Walang matinong suweldo ang mga driver ng public utility vehicles sa ating bansa, parang komisyon ang kita nila. Sagot pa ng driver ang krudo o gasolina at langis ng mga sasakyan nila.

Mayroon ng batas na nagsasabi na dapat ay suwelduhan na ang mga driver ng bus pero hindi ito nasusunod hanggang ngayon. Katwiran ng mga operators mas gusto dawn g mga drivers nila na boundary system sila. Pero sabi ng mga kakilala kong bus driver, mas gusto nila ang suweldo sana dahil sigurado na sila sa kikitain nila at hindi na nila kailangan maghabol ng kita.

Wala pang batas stungkol sa suweldo ng mga jeepney drivers.

Sa suma total, pagpapatupad pa din ng batas ang solusyon sa problemang ito, dahil ang lansangan natin ngayon ay napupuno ng anarkiya sa pagkabigo ng halos lahat ng motorista na sumunod sa batas trapiko.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Behind the spotlight: Hurrah to ‘other’ frontliners

ALAS-KUWATRO ng madaling araw, pagod na pagod si Angeli Jane Blanco papasok ng restroom sa...

No boyfriend, no problem; si Muning lang sapat na

HINDI naging bitter ang pagdiriwang ng Valentine’s Day recently ni Marina Bautista, dahil kahit walang...

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...