Good Vibes

13 creepy hanash that we all grew up with

By: - 10/25/2019

87682934 – closeup portrait angry black cat on a white background studio

The Halloween season is around the corner. Of course, kapag darating ang Undas ay may kanya-kanyang paandar para manakot.

Aside fron the fact na nakakatakot talagang ma-ghosting sa panahon ngayon, did you remember na sari-saring chika rin about certain spooky circumstances ang naikwento o naipanakot sa atin by older people noong mga bata pa tayo.

If you guys can’t remember any, let us take you to a trip down to memory lane of these creepy things na minsan (o hanggang ngayon) ay kumiliti sa malikot na isipan.

1. Pari o madre lalabas sa sugat

Madalas na panakot sa mga batang pasaway na wala nang ginawa kundi tumakas ng bahay para lang makipagpatintero o habulan. Paguwi ng bahay, sugat sa tuhod o braso ang makikita ni Nanay. Kaya para magtino, tatakutin ang mga bata na lalabas ang pari o madre sa sugat na talagang magpapaiyak sa mga bagets.

2. Nakatirang kapre sa mga matatandang puno gaya ng balete

Sa mga uuwi ng probinsya para gunitain ang mga Araw ng mga Patay, masarap muling marinig ang mga kwentong gaya nito. Kung makakakita ka nga naman ng higanteng nilalang na mabalahibo habang nagyoyosi, hindi ka ba kikilabutan?

3. Dugo at internal organs ng bata pundasyon ng tulay

Ito siguro ang pinaka-intense at dapat bigyang pansin kung totoo man. Mayroon daw puting van na gumagala para manguha ng mga bata. Dadalhin sila sa isang laboratory para doon katayin at tanggalan ng lamanloob na gagamitin para “tumibay” ang mga tulay. Ihahalo ang kanilang dugo sa buhos ng semento para diumano’y mas lumakas ang pundasyon.

4. Mamalasin sa pusang itim

Naranasan mo na bang hindi ituloy ang lakad nang minsang makakita ng pusang itim? Kung mapamahiin kang tao, malamang ginawa mo na ito. Noon pa mang unang panahon ay ikinakabit na ang mga pusang itim sa bad luck. Ngunit may mga nagsasabing ang mga pusa raw ang siyang nagtataboy ng malas at masamang espiritu.

5. Babae sa Balete Drive

Madalas mga taxi driver ang naka-encounter sa misteryosong babaeng ito. Sabi nila, madalas magpakita ang babaeng nakaputi sa hatinggabi. Minsan naman, may sasakay sa kanila at bigla na lang nawawala kapag nasa Balete Drive na. Kaya para maiwasan ito, nilalalakasan daw nila ang tugtog sa radyo at binubuksan ang lahat ng ilaw sa tuwing mapapadaan sa lugar.

6. Siopao gawa sa pusa

Bago pa lumaganap ang African swine fever, minsan na ring kinatakutang kainin ang siopao. Hindi dahil sa karneng baboy kundi sa tsismis na baka si muning ang laman nito. Ang sabi-sabi, kaya itim ang karne sa loob ay dahil ito ang natural na kulay ng karne ng pusa. Pero ang totoo, depende sa pagkakaluto ng baboy at halong food color ang dahilan ng lightness o darkness ng palaman.

7. Lakas ng “tawas” at power ng “hilot”

Albularyo, kandila, tubig at dasal sa wikang Latin. Malalaman na agad ng mangagamot ang dahilan ng iyong sakit. Kadalasan, “namatanda” o nakasagi ng mga engkanto ang sinasabing pinagmulan ng hindi magandang pakiramdam. Matatanggal naman sa hilot ang “pilay” na nagdudulot ng lagnat, sipon o ubo. Marami ang makaka-relate dito na once in their lives ay nagamot ng tawas.

8. Knock on wood para hindi mangyari ang masamang biro

Sa mga biruan, hindi maiiwasan na makapagbitaw ng mga pangit o masasamang jokes. Para hindi mangyari, kumatok daw ng tatlong beses sa kahoy at automatic nang madi-dispel ito.

9. Matigas ang ulo? Ibayad sa bumbay 

Bago pa nauso ang online lending apps, ang mga Bumbay na naka-motor na ang naunang go-to-guy ni mother kapag kinapos sa budget, sira na ang kumot niyo o trip niya lang ng bagong appliances. At aminin mo na minsan kang natakos sa looks nila- mahababg bigote at putong sa ulo. Kaya para mag-behave ka noon, tatakutin ka ni nanay na ibibigay sa bumbay para ipautang sa iba.

10. Bangis ng ‘usog’

Laway lang sapat na. Wala talaga itong scientific basis. Pero in some weird reasons, many claimed (lalo na yung sobrang superstitious) na napagaling sila nito. Paano ka mauusog? Kapag nabati ka raw ng taong carrier ng “usog” lalo’t gutom ka, makakaramdam ka ng flu-like symptoms.

11. Dadalhin ng kuto sa bulkang Mayon

This one is for all the young girls na tamad magsuklay at maligo. Paboritong hobby ni mommy kapag siesta na kutuhan ang mga anak na babae habang nanonood ng teleserye sa hapon. Bilang panakot at matuto na rin ng proper hair hygiene ang mga anak, sabay-sabay raw lilipad ang sandamakmak na kuto at dadalhin ka sa Mt. Mayon sa Naga, este sa Albay pala kung hindi aayusin ang sarili.

12. Bisa ng gayuma

Don’t you worry kung nasaktan ka sa panggo-ghosting niya, may last resort ka para bumawi sa taong bet na bet mong mapasayo. Love potion ang solusyon. Naglipana ang sari-saring mixture ng kung anu-anong herbal medicine plus dugo/balat/parte ng hayop which folklore believed na mabisang tunay. Naglipana ang mga gayuma sa Quiapo church.

13. Trese ‘di maswerte?

Hindi pwedeng mawala sa listahan ang immortal belief about the number 13. Nakapunta ka na ba sa building na may 13th floor? Hindi itinatapat sa 13 ang volume ng sasakyan kapag bumibiyahe? O hindi umaalis ng bahay kapag Friday the 13th? Malas man sa paniniwala, sa tao pa rin nakasalalay ang kanyang swerte.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...