outbrain
Feature

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

By: - 10/28/2019

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga testimonya ng mga taong pinagparamdaman ng kalagimang ito.

May ilang lugar sa Pilipinas na si-nasabing haunted o nababalot ng kababalaghang hindi maipaliwanag.

1. Diplomat Hotel,
Baguio City

 

Diplomat Hote. Photo: Wikipedia

Ang Diplomat ay abandonadong gusali sa Dominican Hill. Pinugutan umano rito ang mga madre at pari noong World War 2.

Ang naturang gusali ay dati uma-nong seminary na itinayo noong 1911 bago ito ginawang hotel.
Ayon sa mga residente sa lugar, nakaririnig sila ng mga sumisigaw ng pagmamakaawa at umiiyak mula roon kahit na araw.

Tumigil ang operasyon nghotel noong 1987 nang mamatay ang may-ari nito na si Tony Agpaoa.

2. Teacher’s Camp
sa Baguio City


Ang lugar kung saan itinayo ang Teacher’s Camp ay dati umanong battle ground ng mga taga-Baguio.

Maaari umanong ang mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay sa pakikidigma ay hindi na lumisan sa lugar.

Nakaririnig ng mga kaluskos at yabag ng paa at nakakikita ng iba’t ibang anino ang mga tumitira roon.

3. Balete Drive,
Quezon City


Ang Balete Drive ay isang kalsada sa New Manila na sumikat noong dekada 80 dahil sa nagpapakitang white lady na pumapara at sumasakay ng taxi.

Kapag nakasakay na ay bigla na lamang umanong mawawala ang babae na ikagugulat ng taxi driver.

Ayon sa alamat ang babae ay ginahasa umano sa lugar kung saan noon ay nakatayo ang maraming kahoy ng Balete.

Pinaniniwalaan na pinatay ang babae at isa sa mga kuwento ay ibinigti ito sa puno.

4. Manila Film Center,
Roxas Boulevard


Itinayo ang Manila Film Center sa panahon ng panunungkulan ng rehimeng Marcos para sa film festival na lalahukan ng mga international movie stars.

Minadali ang pagtatayo nito kaya nagkaroon ng aksidente, gumuho ang ilang palapag nito at lumubog sa semento ang maramig obrero rito, marami sa kanila ay namatay.

Nang lumalapit na ang petsa ng festival, hindi na umano hinukay ang mga natabunan at pinatungan na lamang ng semento upang hindi mangamoy.

Mayroon umanong gumagalang kaluluwa sa gusali at dito na nagsimulang kumalat ang kuwento ukol sa nagsasalitang mga pader.

5. Stone House Tiaong, Quezon


Ito ang pinakalumang bahay sa Tiaong, Quezon na inabandona na dahil sa multo. Meron umanong mga pugot na sundalong Hapon na nagpaparamdam sa lugar.

Ang mga nagpupunta rito ay nakaririnig din ng kinakakadkad na tanikala at mga yabag ng paa.

Ang konsepto ng bahay ay kina Isidro Herrera at architect Tomas Mapua noong 1927. Mayroon ding itong bahagi na kinuha sa paglalarawan ni Jose Rizal ng hardin sa kanyang isinulat na El Filibusterismo.

6. UP Los Baños Campus


Hindi lamang bahagi ng kasaysayan ng gera ang UP Los Banos campus sa Laguna. Ito ay nasa paanan din mahiwagang bundok ng Makiling kung saan marami umanong kababalaghang nagaganap.

Nasa campus ang Baker Hall na dati umanong kampo ng mga sundalong Hapon. Dito umano ginagawa ang paggarote sa mga preso na siyang nagpaparamdam doon.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...