Sports

ALAB MAGPAPASIKLAB

By: - 10/28/2019

ALAM nina Jimmy Alapag at Aaron Aban ang work ethic ng isa’t isa matapos na magkampeon ng maraming beses habang magkasamang naglalaro para sa Talk N’ Text.

Nag-uwi sila ng limang titulo para sa Tropang Texters at naghiwalay ng landas noong 2015 hanggang sa tuluyan silang nagretiro. Naging coach si Alapag kasunod nito habang nilasap ni Aban ang magagandang bagay na bunga ng kanyang pagsusumikap sa basketball.

Makalipas ang apat na taon, magsasamang muli ang dalawa para sa isa pang misyon: Kunin ang ikalawang korona sa ASEAN Basketball League.

Magbabalik aksyon ang 6-foot-3 PBA veteran matapos magretiro noong 2017 para maging bagong miyembro ng San Miguel Alab Pilipinas.

Huling nagkampeon ang Alab noong 2017-2018 season. At mahigpit ang magiging salpukan para sa kampeonato dahil hindi lalahok ang defending champion CLS Knights ng Indonesia sa regional tournament.

Magiging kakampi ni Aban ang newcomers ding sina former US NCAA Division I standout Jason Brickman, San Miguel Beermen benchwarmer Louie Vigil at kapatid ni Matt Rosser na si Brandon Rosser. Nasa roster din sina do-it-all mainstay Lawrence Domingo  at energizer swimgman Jeremiah Gray.

Magbibigay naman ng international experience ang world imports na sina NBA veteran Renaldo Balkman, 6-foot-4 guard Khalif Wyatt at 6-foot-11 center Adrian Forbes.

Dalawang top college players din ang kukumpleto sa koponan ngunit hindi pa ibinunyag ni Alapag kung sino ang mga UAAP cagers na ito dahil kasalukuyan pa silang naglalaro sa crucial stage ng liga kung saan
sila naghahabol ng Final Four slot.

Ito ang ikatlong taon ng one of PBA’s greatest point guards sa coaching arena, at nais ni Alapag na “not to keep the players in the box.” “I want them to be confident and free on how they play and compete every night,” aniya.

TNT CONNECTION

“Aaron was always a hardworker,” sabi ni Alapag sa kanyang dating kakampi nang dumalo sa 45th TOPS Usapang Sports sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Inalala ng 2011 PBA Most Valuable Player ang anim na taong pagsasama nila ni Aban na kanyang itinuturing na “enforcer.” Magkasama nilang sinungkit ang tatlong na sunod na Philippine Cup titles mula 2011 hanggang 2013 at dalawang Commissioner’s Cup crowns noong 2011 at 2015.

“He’s always ready every game,” ani Alapag.

Naging seventh overall pick ng Alaska Aces si Aban noong 2016 PBA Draft matapos tanghaling NCAA MVP sa parehong taon. Nakapaglaro rin siya para sa Purefoods, Burger King at GlobalPort ngunit sa TNT niya naipamalas ng husto ang talento lalo ang kanyang defensive style of play.

“It’s a great opportunity na makatrabaho ulit si Jimmy,” sabi ni Aban sa weekly forum. “Iba rin yung pakiramdam na before teammate ko lang siya. Although before naman nakikinig na kami sa kanya kasi iba ‘yung leadership niya sa pagdating sa team,” dagdag pa ng ex-Letran Knight.

PARA SA BAYAN

Magpapasiklab ang Alab laban sa top-caliber opponents ngunit inamin ni Alapag na butas ng karayom ang papasukin ng tanging Philippine-based squad sa torneyo para makarating sa finals. Dahil ito sa ginawang lineup adjustments ng mga katunggali, ayon kay Alapag.

“The entity of the ABL has definitely gone up. It will be a little more pressure for Alab to perform well,” aniya.

Mono Vampire, Saigon Heat, Singapore Slingers at Taipei Fubon Braves na ibabandera si former NBA shooter OJ Mayo ang ilan sa binanggit ni Alapag na matinding makahaharap ng Pinoy five.

Uumpisahan ng Alab ang kanilang 2019-2020 ABL campaign sa Nov. 17 laban sa dating ballclub ni Brickman na Mono Vampire.

Beterano ng global competitions gaya ng Fiba Asia Championship, World Cup, Jones Cup at Southeast Asian Games, ipinangako ni Alapag na gagawin nila ang lahat para magbigay karangalan sa bansa.

Nang tanungin kung ano ang nais niyang maging trademark ng Alab, “First and foremost, that we, playing in the ABL, is representing the country,”

“We want to respect the game and understand the responsibility to represent the country.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...