Balita

PNP red alert sa Undas

By: - 10/28/2019

Isasailalim sa red alert status ng National Police ang buong Metro Manila bago pa sumapit ang All Souls and All Saints Day, o Undas, para matiyak ang seguridad at kaligtasan sa mga pampublikong lugar, partikular na sa mga transport terminal at sementeryo.

Ayon kay Brig. Gen. Debold Sinas, acting National Capital Regional Police chief, naghahanda na ang mga district director sa Metro Manila para sa mga gagawing security measures.

Ayon kay Sinas, lahat ng mga tauhan ng NCR police ay naka-duty sa mga nasabing mga araw, kung saan milyong mga Pilipino ang inaasahang magtutungo sa mga sementeryo para dalawin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Sa pagdedeklara ng red alert status, nangangahulugan na kanselado ang lahat ng uri ng leave para sa mga tauhan ng pambansang pulisya.

May 35,000 mga opisyal at tauhan ng PNP ang ide-deploy ngayong Undas sa buong bansa para sa sa security measures, ayon naman kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.

Ayon kay Sinas, asahan na patuloy na ipatutupad ang mga dati ng mga hakbang gaya ng pagbabawal ng pagdadala ng mga inuming nakalalasing at bladed weapons sa mga sementeryo.

Samantala, ipinaalala naman ng Department of Transportation na walang babayarang terminal fee ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa mga port na pinatatakbo ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Philippine Ports Authority.

Ang PPA ay mayroon ding ipinatutupad sa terminal fee exemption sa mga senior citizens, persons-with disability, at aktibong uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard.

At papayagan na rin ang mga pasahero ng eroplano na mag-hand carry o mag-check in ng mga folded umbrella.

Pero mananatiling bawal ang pagdadala ng cane umbrella, ayon sa Office of the Transportation Security.
Ipinag-utos ni OTS Administrator Usec. Raul Del Rosario ang pagrebisa sa OTS Memorandum Circulars No. 005 at 006 series of 2019 na kaugnay ng mga ipinagbabawal na gamit na ipasok ng mga pasaherong papaalis sa paliparan.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...