Feature

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

By: - 10/29/2019

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang araw na lang ay Undas na.

Natapat na Biyernes ang Nov. 1 kaya expected na long weekend mode ang marami para mag-relax, visit their departed loved ones sa mga sementeryo and especially, to reconnect with their relatives na nasa probinsya.

Siguradong mapa-north o south man, siksikan sa mga kalsada lalo na sa NLEx at SLEx. Pero bago pa man makarating sa mga expressways na ito ay masusubok na ang pasensya sa Metro Manila pa lang.

Sasabay rin sa Undas season ang kabi-kabilang mall sales at Halloween-related events for those who will stay lang sa Manila.

Here are some street-smart travelling tips for a comfortable trip:

1. Mag-withdraw na agad

Sweldo na sa Oct. 30 or Oct. 31. This means na agahan na rin ang pag-withdraw para maiwasan ang mahabang pila, maubusan at gagawing system maintenance ng ilang banko.

Karaniwang itinataon ng mga banko ang pagsasaayos ng kanilang system tuwing holiday kaya naman mabuting alamin din kung may maintenence schedule ang inyong banko sa darating na weekend.

2. Walang kamatayang BLOWBAGETS

For those who have their own cars, laging paalala ng otoridad at road safety groups na i-check maigi ang sasakyan para iwas aberya sa kalsada.

Hindi na siguro bago ang mga balitang napuputukan ng gulong o kaya’y nag-o-overheat na makina na nagiging sanhi pa ng aksidente. Para maitaboy ito, tandaan: Brakes, Lights, Oil, Water, Battery, Air, Gas, Engine, Tools, Self ang i-check bago pa rumampa!

3. Don’t take chances as  chance passenger

Kung plano mong magpunta ng probinsya nang biglaan, this is not the right time para gawin iyan.

Chances are, at risk ka not to be a chance passenger. Sa libo-libong pasahero na makakasabay mo, hindi ba’t suntok sa buwan na makasakay ka agad kung wala kang pre-booked ticket?

Matuto na sana sa past episodes ng Undas na nauuwi lang sa nganga ang mga sumubok na umalis pero ang ending naghintay lang sa wala sa terminal. Mas ok na #teambahay ka na lang muna.

4. Online booking

For sure, if you planned an out of town trip for this holiday ay matagal na itong naplano.

And it’s better to have things booked ahead para masigurong pagdating sa lugar ay settled na ang lahat. Easy na ang booking nowadays, thanks to the online world.

From hotel to food to activities ay pwede mo nang mag-advance booking using your smartphones.

5. Credit card is good but they need cash

Kung malayu-layo ang pupuntahan, always bring cash. Kung sa Maynila ay nasanay kang swipe, swipe na lang to pay bills, don’t take that thing in the province.

Marami pa ring establishments there that prefer cash payment instead of paying through debit or credit cards.

6. I-lock ang bahay para iwas nakaw

Make sure na nakasaradong maigi ang bahay para hindi makalusot ang akyat-bahay gang. I-switch off din ang main power ng kuryente para iwas sunog gayundin ang pagsasara ng kuntador ng tubig para naman iwas tulo sa gripo. Pati ang tanke ng LPG ay siguruhing nakasara.

Makabubuti ring ibilin sa pinagkakatiwalang kapitbahay ang inyong bahay na pwedeng tumingin tingin dito habang walang tao sa inyo.

7. Know the emergency hotlines/ responders’ social media accounts

Sabi nga, kahit gaano ka pa kahanda kung maaaksidente ka, hindi ito maiiwasan.

Kaya one of the important contacts na dapat naka-save sa phone o nakasulat kahit sa maliit na notebook mo ay ang hotline numbers ng iba’t ibang response units. It’s better as well na alam mo rin ang kanilang socmed handles in case of an untoward incident occurs.

PNP, HPG, MMDA, NLEX/SLEX/SCTEX/CAVITEX road assistance, towing company, battery service at ambulance ang ilan sa mga key responders na aalalay at tutulong whenever any accident happens along the road.

8. Remember and pray for the souls of the departed

Most of all, Undas isn’t just a weekend getaway and sort of escaping the busy city for a while. Tandaan na ito ang panahon para alalahanin at irespeto ang mga mahahalagang tao sa ating buhay na nauna nang lisanin ang mundo.

Huwag kalimutang ipagdasal ang kanilang mga kaluluwa.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...