Sports

BABANGON SI FOLAYANG

By: - 05/14/2018

KALAHATING taon na nang huling sumampa sa octagon ring ang mixed martial artist na si Eduard Folayang at walang kasing sakit ang resulta ng labang iyon.

Pinatulog ni Martin Nguyen si Folayang sa second round ng kanilang ONE: Legends of the World lightweight title match sa pamamagitan ng rumaragasang counter right hand hook sa panga.

Tumahimik ang buong Mall of Asia Arena at waring nagluksa ang mga Pinoy supporters sa pagbagsak ng kanilang bayani. Naagaw ng Australian fighter ang lightweight belt mula sa pambato ng Team Lakay isang araw bago sana ang unang anibersaryo nito sa nasabing weight division.

Masakit para sa 34-anyos na tubong Baguio City na malasap ang pinakamapait na kabiguan sa kanyang 11 taong karera bilang mixed martial artist.

“Inalala ko muna kung ano yung nangyari kasi siyempre na-unconscious ako and then of course I reflected kung ano yung mga pagkakamali ko in the past, ano yung areas na nagkamali ako,” sabi ni Folayang sa INQUIRER LIBRE.

Pero ang pagkatalong iyon din ang nagbigay sa kanya ng aral na mas pagbutihin pa ang pinasok na larangan at nagpatibay sa kanya bilang isang atleta.

“Sa mixed martial arts talagang anything happens na you aren’t expecting and siguro dun ako kumukuha ng inspiration para mag move forward kasi hindi mo na maibabalik kasi tapos na,” dagdag pa nito.

“Well I need to mag-focus pang lalo. Kailangan talagang i-expect yung mga posibleng mangyayari to make you a better person, ” pahayag pa ng dating high school teacher sa Mountain Province bago muling maging full-time MMA fighter.

ROAD TO REDEMPTION

Mahaba-haba ang ipinahinga ni Folayang. Natanggap na niya ang mga hindi magandang nangyari sa nakaraan at napagnilayan na ang mga susunod na hakbang.

Ngayon, handa na siyang muli na suungin ang panibagong digmaaan.

Haharapin ng tinaguriang “The Landslide” (18-4, 6 knockouts) ang undefeated Russian na si Kharun “Predator” Atlangeriev (11-0, 5 knockouts) sa lightweight bout ng ONE: Unstoppable Dreams sa Biyernes, Mayo 18 sa Singapore Indoor Stadium.

Puspusan ang paghahanda ni Folayang na siyam na taon ang tanda kay Atlangriev para patunayang kaya niyang maging kampeon ulit.

“Mas pinipino ko pa yung areas na kulang namin like sa striking yung mga areas na hindi maganda, kung paano maeexecute ng maayos,” aniya.

Gagamiting hakbang din ito ni Folayang hindi lang upang patunayang isa pa rin siya sa mga pinakamagagaling na lightweights sa mundo kundi bilang paghahanda na rin sakaling magkaroon ng rematch kay Nguyen.

“The best thing to do is to keep on improving para kapag nagkaroon ng opportunity na magka rematch then I think I can be better,” dagdag pa ng wushu expert na nagwagi na ng mga medalya para sa Pilipinas sa 2002 Asian Games (bronze), 2005 World Wushu Championships (bronze), 2006 Asian Games (silver) at 2011 Southeast Asian Games (gold).

TUNAY NA MANDIRIGMA

Maraming giyera nang naranasan si Folayang simula maging professional fighter noong 2007. Ang mga sugat ang humubog sa kanya para manatiling matatag sa kahit anong hamon habang ang bawat pagwawagi ay bunga ng mga pagpupunyagi.

Dahil sa kanya, nakilala ang Team Lakay at umusbong ang interes ng mga kabataang umiidolo sa kanya na pasukin ang mundo ng MMA. Nabigyan ng pagkakataon ang Filipino fighters na ipamalas ang husay sa sport na ito sa ibayong dagat.

Si Folayang rin ang nagsisilbing kuya sa Team Lakay kaya naman siya rin ang pinagkukunan ng inspirasyon ng mga nakababatang kasamahan sa grupo.

“Siguro the best lesson for them to learn is kung paano nila isinasabuhay yung sinasabi nila, yang mga yan naman are very well-educated so the best talaga yung live mo yung values mo as martial artist,” aniya

Buhos din ang kanyang suporta sa tuwing sasalang sa bakbakan ang kanyang mga ‘kapatid’.

“Kapag may laban sila I help them sa kanilang preparations. I come to their practices and fights to show my support. Maliit na bagay pero pag ginagawa mo it means a lot to them.”

Galing man sa nakapanlulumong pagkatalo, nananatiling masaya si Folayang sa pakikipaglaban sa walong sulok ng ring. At alam niya na ang pagkakaroon ng puso sa laro ang mas magpapagaan ng biyahe tungo sa muling pag-abot sa tagumpay.

“Always be on your focus kasi kung hindi mo talaga isasapuso yung pagiging MMA fighter hindi mo mae-enjoy yung journey.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...