Balita

Mayor nagmotorsiklo ng walang helmet, sinita

By: - 11/01/2019

IKINADISMAYA ng isang kongresista ang hindi pagsusuot ng helmet ng mayor ng Cainta, Rizal habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Eric Yap wala itong nakikitang mali sa pagpapa-cool ni Mayor Johnielle Keith Pasion Nieto pero makabubuti umano kung sumunod ito sa batas.

“Gusto ipakita ni Mayor na cool siya dahil uso ang pagiging cool ngayon ng mga pulitiko sa social media gaya ng mga opisyal ng pamahalaan na sumasakay ng jeep at MRT, kumakain sa karinderya, at personal na naglilinis ng kalsada. Wala tayong nakikitang problema doon pero sana sinabayan na din niya ng pagpapakita ng pagsunod sa batas,” ani Yap sa isang pahayag.

Ipinost ni Nieto sa Facebook ang kanyang litrato habang nagmamaneho ng motorsiklo. Late na umano ang alkalde papunta sa kasal.

Isang netizens ang nagsabi kay Nieto na sana ay nagsuot ito ng helmet at sumagot naman ang alkalde: “I will wear it when I need it, I have a pre-signed waiver that absolves anyone from liability for any injury I sustain because of my decision not to wear it particularly on occasions when I know it is not necessary”.

Sinabi ni Yap na mahalagang makita ng publiko na sumusunod sa batas ang isang halal ng bayan.

“Lead by example. Kung ano ang ginagawa ng Mayor nila, sigurado tayo na may ilan na gagawin din kung ano ang ipinakita mo. Kung hindi ka nagsuot ng helmet dahil sabi mo may pre-signed waiver ka, baka magulat tayo isang araw lahat ng motorcycle riders sa Cainta ay wala ng helmet dahil lahat mayroon ng waiver na yan na sinasabi mo.”

Habang patuloy umano ang pagpapaalala ng otoridad sa mga nagmomotorsiklo na magsuot ng helmet, ani Yap “ipinakikita mo pa na pwede pala na hindi sumunod. Now ask yourself, anong mensahe ang pinapadala mo sa constituents mo?”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...