Balitang Commute

Move over Grab, China’s biggest ride-sharing firm target ang Pinas

By: - 11/04/2019

NAKIKIPAG-USAP ang pinakamalaking ride-sharing company sa China na Didi Chuxing sa isang Filipino group upang tapusin ang paghahari ng Grab Philippines, base sa report ng Philippine Daily Inquirer.

Mapapababa ang pamasahe at mabibigyan ng options ang commuters sa pagpasok ng Didi sa bansa, sabi ni Ilocos Sur politician Luis “Chavit” Singson na siyang kumumpirma sa nilulutong negosasyon.

“We want to break the monopoly of Grab,” sabi ni Singson tungkol sa Singapore-based ride-sharing giant sa isang interview noong isang linggo.

Pagmamay-ari ni Singson ang U-Hop Transportation Network Vehicle System Inc. (U-Hop), isa sa 10 Transport Network Companies (TNC) na pinayagang mag-operate ng ride-sharing services sa Pilipinas.

Nire-renew ng U-Hop ang accreditation nito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Noong isang taon ay naglabas ng moratorium ang ahensya sa pagbibigay ng mga bagong TNC licenses.

Tikom si Singson na magbigay ng iba pang detalye maging ang mga opisyal ng Didi at LTFRB ay hindi rin kaagad sumagot sa mga tanong ukol sa posibleng pagpasok ng Didi sa bansa.

Bilang public utility, nakapaloob ang TNCs sa 40-percent foreign ownership limit base sa Philippine constitution. Kailangan ng Didi na sumunod upang hindi sapitin ang nangyari sa Go-Jek mula Indonesia na hindi binigyan ng lisensya ng LTFRB matapos mabigong makumpleto ang local ownership requirement.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...