Balita

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

By: - 11/04/2019

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang sa mga kalsada sa nasabing lungsod, tiyakin mo lamang na hindi maingay ang tambutso ng iyong sasakyan.

Bakit?

Ipinagbabawal na kasi ngayon ng lungsod ng Pasay ang maingay na tambutso sa anumang uri ng mga sasakyan kabilang ang mga motorsiklo at tricycle na dumaraan sa lansangan nito.

Ito ay base na rin City Ordinance 6009 o mas kilala bilang “Anti-Modified Tail Pipe Ordinance of Pasay City” , ayon sa alkalde nito na si Imelda “Emi” Calixto-Rubiano.

Sadyang may silencer umano ang mga tambutso ng mga sasakyan upang mabawasan ang nililikhang ingay ng makina nito.

Gayunman, may ilang may-ari ng sasakyan ang tinatanggal ang silencer ng kanilang orihinal na tambusto at pinalitan ng maiingay na tambutso.

“Excessive noise is a serious hazard to the public health and welfare, and that, exposure to certain levels of noise can result in physiological, psychological and economic damage,” ayon sa ordinansa.

Sinuman ang mahuhulihang lumabag rito ay pagmumultahin ng P2,000 hanggang P4,000 bukod sa posibleng pagkansela sa lisensiya ng driver at prangkisa ng kanyang negosyo.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...