Balitang Commute

Subway puwedeng simulan sa Taguig

By: - 11/05/2019

KUNG mayroon umanong problema sa Quezon City, maaari umanong sa Taguig City na lang umpisahan ang Metro Manila Subway.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano kailangan ng National Capital Region ng mass transportation na isa sa mga solusyon sa trapik.

“I saw on television, a good friend (Quezon City Councilor) Winnie Castelo saying may problema sila doon sa kung saan mag-i-start kung saan (daraan) yung subway sa Quezon City, so wanna tell na (DoTr) Sec. Art Tugade kung may problema pa si Quezon City, sa Taguig mo muna umpisahan,” ani Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na kung kakailanganin ng bagong batas para sa mga mass transport system ng gobyerno ay ibibigay ito ng Kongreso.

“We will push for the mass transportation and we will not only pass legislation if needed will use our oversight powers there’s no reason that right of way should be a problem,” ani Cayetano.

Hiniling ni Castelo sa Department of Transportation na ilipat ang rutang daraanan ng subway. Batay sa plano ang subway ay magsisimula sa Mindanao Ave., dadaan sa North Ave., Quezon Ave., East Ave., Anonas at Katipunan.

Sinabi Castelo na mas makabubuti umano kung sa EDSA na lang padadaanin ang subway kaysa sa C5 na malapit sa fault line.

Ayon kay Cayetano maaaring tumulong ang Kamara sa pakikipag-usap ng DoTr sa Quezon City Council.

“…for example they present na subway will take 10 years but 2 years open na yung tatlo sa Quezon City now we’ll have constant hearing so pag sinabi nila ngayon ‘sandali sir 3 months delayed kasi kinukuwestyon ng city council yung ganito’ so we’ll step in and talk to the councilor call them to the hearing kung ganito dito, dito ka na lang sa Taguig muna.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...