Good Vibes

OFW umuwi para magtrabaho sa rail system ng bansa

By: - 11/05/2019

UMUWI ang isang Pinoy na railway engineer sa Denmark para tumulong sa pagtatayo ng subway at Light Rail Transit 2.

Si Deovanni Miranda ay isa sa mga OFW na umuwi upang tumulong sa railway projects sa bansa.

Ayon kay Miranda napukaw ang kanyang atensyon ang litrato ng cutter head prototype na nag-viral sa social media.

Ang cutter head ay gagamitin sa Metro Manila Subway Project.

Nakipagpulong si Deo at iba pang OFW sa mga opisyal ng Department of Transportation noong Hulyo para ialok ang kanilang training at expertise sa railway projects sa ilalim ng Build, Build, Build, Program.

Ngayong araw ang unang araw ni Deo bilang Engineer IV ng LRT-2 East at LRT-2 West Project Teams.

Si Deo ay nagtapos sa Technological Institute of the Philippines at nagpunta sa Saudi Arabia noong 2006 bago pumunta sa Denmark noong 2015 kung saan siya nagtrabaho bilang M&E Construction Coordinator at M&E Lead Commissioning Engineer na nakatalaga sa Copenhagen Cityringen Metro Project.

Sinabi ni Deo na naranasan niya at kanyang pamilya ang ginhawa ng railway system sa ibang bansa at nais niyang maranasan din ito ng kanyang mga kapwa Pilipino.

“We are here to support our current administration who has the vision and commitment to achieve the comfortable mass transport for Filipinos,” ani Deo.

Kinilala ni Transportation Sec. Art Tugade ang ginawa ni Deo.

“Para sa akin, bayani ang mga OFWs. Bayani sila dahil sila ay nagsasakripisyo at nakikipagsapalaran sa ibang bansa para maiahon ang kani-kanilang pamilya sa hirap. Ngunit talaga ring nakakaantig ng puso kung ang isang OFW, kahit sobrang laki ng kinikita sa ibang bansa, magdedesisyong bumalik at tumulong sa bayan at magsabing: Pilipinas naman,” saad ng kalihim.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...