Balitang Commute

E-jeepney bibiyahe na sa Pampanga

By: - 11/08/2019

BIBIYAHE na ang unang batch ng mga electric jeepney sa San Fernando City, Pampanga matapos bigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng Provisional Authority.

Ang 10 eJeepney na bibiyahe ay bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng gobyerno.

“Mabuti ‘ho ang modernization hindi lamang sa mga driver o sa operator, kung hindi pati sa mga mananakay. Because the target of the modernization program is making sure that our riding public will commute and travel in ease, comfort, and convenient at that. Mabuti ‘ho ‘yan sa kalikasan, mabuti ‘ho ‘yan sa sambayanan,” ani Transportation Sec. Arthur Tugade.

Ang mga eJeepney ay pagmamay-ari ng Electric Vehicle Expansion Enterprises, Inc.

Bibiyahe ang mga eJeepney sa rutang Government Center, Barangay Maimpis patungong San Fernando Downtown at pabalik.

Nagkakahalaga ng P11 ang base fare para sa unang apat na kilometro at karagdagang P1.80 sa bawat susunod na kilometro.

Lima pang eJeepney ng EVX ang inaasahang bibigyan ng Provisional Authority para sa kaparehong ruta.

Alinsunod sa pamantayan ng mga modernong PUV, idinisenyo ang mga sasakyan batay sa Omnibus Franchising Guidelines at Philippine National Standards. Mayroon itong Wifi, dashcam, CCTV, GPS at may zero-emission feature.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Maging ligtas sa Undas: 8 street-smart tips for travelers

ASAHAN na exodus na naman sa Maynila ang ganap ng marami nating kababayan ngayong ilang...

Unused VL, SL convertible to cash!

NGAYONG papalapit na ang Christmas season, isa sa mga pinakahihintay nating mga empleyado ay ang...

6 nakakakilabot na lugar sa Pinas

MARAMING napaulat na kababalaghang nangyari sa bansa at ang mga ito ay pinatotohanan ng mga...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...