Balita

4-day work week pwede nang ipatupad

By: - 11/20/2019

KAHIT wala pang batas, maaari na umanong ipatupad ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong kompanya ang four-day work week.

Inihain ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga Jr., ang House Resolution 541 upang hikayatin ang pagpapatupad ng programa ngayong inaasahan ang lalong pagbigat ng daloy ng trapiko dahil sa papalapit na Kapaskuhan at pagdaraos ng SEA Games mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Sa pag-aaral ng Boston Consulting Group noong 2017, ang Pilipinas ang ikatlo sa pinakamabigat ang daloy ng trapiko sa Asya na umaabot ng 66 minuto.

Sa isang ulat naman ng Straits Times sa kaparehong taon, sinabi nito na ang bilang ng mga sasakyan ay 1.75 beses ng kakayanan ng kalsada. Umaabot din umano ng 2.3 beses ang itinatagal ng biyahe.

Sa isa pang ulat ng Strait Times sinabi nito na nauubos ang 16 araw ng isang Filipino sa trapik kada taon.

“Whereas, the problem of traffic congestion that is already plaguing the country and causing a heavy burden to our fellow Filipinos can not wait for the “four day work week” bill to be passed into law,” saad ng resolusyon ni Barzaga. “Whereas, Filipino employers, the Philippine Chamber of Commerce and Industry, Filipino Chinese Chamber of Commerce, Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce, Makati Business Club as well as public officials are strongly urged to think, adopt and employ bold solutions such as implementing “four day work week” and “work anywhere” schemes to help ease the burden of traffic congestion at least during this holiday and SEA Games season.”

Ayon kay Barzaga hindi na bago ang four-day workweek scheme na ginagamit na sa New Zealand, Sweden, at United Kingdom upang magkaroon ng work–life balance na nagreresulta sa mas produktibong empleyado at mas may kalidad na buhay.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...