THE best things in life are free kaya nga libre is life!
At dahil we are celebrating our 18th anniversary, we list down 18 things na libre na halos everyday ay pwede mong i-enjoy at nandiyan lang sa tabi-tabi.
1. Libreng sabaw
Imposibleng hindi ka nakaranas isang beses sa buhay mo ng libreng sabaw courtesy of your favorite carinderia near your school o work place. At minsan nga, hindi lang sa carinderia merong libreng sabaw kundi maging sa mga fastfood chain.
2. Libreng tuition sa college
Kaway-kaway naman diyan ang mga iskolar ng bayan na pinagtu-tuition ng sambayanan! This free education was made possible through Republic Act No. 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
3. Libreng cake at sine
Siyempre sa ating mga senior citizens and friends na persons with disabilities mula sa ilang syudad dito sa Metro Manila ang nakatatanggap ng libreng cake tuwing birthday nila at libreng sine naman once a week. San ka pa?
4. Libreng wifi
Isa ka na rin ba sa mga nakakalibre ng WiFi along EDSA particularly kapag nakasakay sa MRT? Siyempre masarap din ang libreng pa-wifi ng kapitbahay (wink, wink).
5. Libreng mangarapEto ang higit na masarap, you can have it as much as you want. Make sure lang na magigising ka, ha? Basta ang alam namin dreams come true if you believe in yourself!
6. Libreng pa-lunch ni boss
Sinong tatanggi sa libreng pa-lunch ni boss, lalo pa’t petsa-de-peligro?
7-8-9. Libreng gupit, bunot, salamin ni konsehal
In aid of election man yan or re-election, may mga ganitong pa-project si konsehal na kung tutuusin naman ay pera rin ng bayan ang pinanggalingan. True or false?
10. Libreng tuli
Isa pang libre project na kadalasan ay inisponsor naman ni kap o kaya naman ay ni kagawad.
11. Libreng kabaong at libing
Eto yung libre na ayaw mo tiyak tanggapin, pero it made possible sa mga local government units na intended naman sa mga constituents na namatayan na walang kakayanan magpalibing.
12. Libreng gravy
Gravy is life lalo na sa mga tao na ginagawang ulam at soup ito.
Buti na lang generous ang mga fastfood chain sa pagbibigay ng libreng gravy sa mga may order na chicken.
13. Libreng parking
Dahil mahirap ang parking, swerte mo naman kung ikaw yung may sasakyan na may mahahagilap na mapaparkingan tapos libre pa!
14. Free taste sa supermarket
Sa mga mommy na nagtitipid, minsan lahat ng pa-sample sa supermarket titikman para makalibre na ng meryenda.
15. Libreng sakay sa MRT at LRT
Tuwing may okasyon o holiday, nakakatikim tayo ng libreng sakay kahit limitado lang ang oras. Pero ang mas masaya ay yung mga estudyante na libre ang sakay everyday.
16. Libreng bigas
Sa mga benepisyaryo ng 4Ps, minsan suplay ng bigas ang ibinibigay. Masama pa ba iyon?
17. Libreng concert
May tatanggi ba sa libreng concert lalo na kung paboritong singer mo ito?
18. Libreng Libre
The only free newspaper na libre mong makukuha at mababasa kapag nasa biyahe ka ng MRT
at LRT.