outbrain
Sports

Sa kabila ng sari-saring aberya sa SEA Games hosting, Chris Tiu nanawagan ng pagkakaisa

By: - 11/26/2019

NANAWAGAN si former Gilas Pilipinas Team captain Chris Tiu na magkaisa ang publiko at suportahan ang Team Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games sa kabila ng mga aberyang kinahaharap ng bansa bilang host country.

“Sports is certainly a great platform to inspire the youth, promote good values and unite a nation. Let us not use it to divide us” sabi ni Tiu sa kanyang Instagram post.
Inamin ng ex-PBA cager na maging siya ay nakaranas din ng mga hindi inaasahang abala noong naglalaro pa para sa national men’s basketball team.
Kabilang si Chris Tiu sa Sinag Pilipinas squad na nagwagi ng ginto sa 2011 Jakarta SEA Games.
Nagsisilbi ngayon ang 34-anyos bilang deputy chief ng SEAG Volunteers Program.
Hindi lang si Tiu ang humingi ng suporta mula sa Filipino community, maging sina former Philippine Azkal U22 Alejandro Baldo Jr. at   Philippine badminton team member Anton Cayanan ay hinikayat din ang buong bansa na ibuhos ang lakas para mag-cheer sa Pinoy athletes.
Kagaya ni Tiu, sila rin ay dumanas ng “common problems” sa kani-kanilang nakalipas na international sports events.
Sa posted video sa social media, makikitang nagtulak ng nasirang double-decker bus sa gitna ng kalsada si Baldo kasama ang kanyang mga kakampi pabalik ng kanilang hotel sa Bangkok.
“Dahil wais tayong mga Pinoy imbis na magalit at magreklamo ginawa na lang natin to sa pinakamasayang experience,”  sabi ng dating Azkals midfielder.
Inalala naman ni Cayanan na kinulang ang kanilang pagkain noong 2017 edition sa Malaysia at  naligaw pa sa maling hotel matapos maghintay ng matagal sa airport. Matatandaan na halos ganito rin ang nangyari sa Timor Leste football team na-delay sa paliparan at hinatid sa maling hotel.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...